XVI. Storm Signal

50.6K 1.6K 399
                                    

NOTE: George Kyle Ignacio's name was changed to George RAFAEL Ignacio for some reason.
******
16. Storm Signal

"Walang forever Domeng!" sagot ko sa kanya. Parang hindi n'ya inaasahan ang sinabi ko, may mali ba? Tanong ko sa sarili ko.

"Why?" sabi n'ya-mukhang naiirita. Tinapik tapik ko muna ang braso n'ya para kumalma s'ya. "Ayaw mo kong maging boyfriend? Bakit si George ba 'yung gusto mo?" tanong n'ya.

"Hindi sa gano-"

"Then why? Who's that fuck*ng asshole? 'Yung Miggy ba?" tanong n'ya.

"Ayy grabe? Paano naman napunta si Miggy sa usapan?" tanong ko sa kanya. "Tsaka di uso ang forever na 'yan!" sambit ko at kumunot ang noo n'ya.

"Why? I'll promise you that we will make and build our relationship to lasts forever." sabi n'ya.

"Walang forever! Tch!" inis na sabi ko sa kanya. Lumakad ako papalayo dahil gusto ko lang. Masyadong mainit ang ulo ni Domeng ngayon at baka masuntok n'ya ako ng wala sa oras.

"Bakit sino 'yung gusto mong kaforever mo? 'Yung isa sa dalawang pangit na 'yon?! Hah?!" naglakad s'ya papalapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Iniharap n'ya ako sa kanya, "Your mine and I don't like sharing." seryosong sabi n'ya.

"Hindi pa ako handa pumasok sa isang relasyon, Domeng. Marami pa akong pangarap sa buhay. Gusto ko ipagpatayo ng malaking bahay 'yung mga magulang ko sa probinsiya. Ipinangako ko pang gagraduate pa ako. Sagabal ang pagboboyfriend." sabi ko sa kanya.

"Mas madali mong makakamit ang pangarap mo kung kasama mo ako. I'll help you to reach your dreams and goals." huminto s'ya sandali sa pagsasalita n'ya, "Hindi ako magiging sabagal sa pag-aaral mo. Hindi ako mangungulit kapag nag-rereview at nag-aaral ka. Kapag ayaw mong maistorbo, then, I won't disturb you. Kapag puyat ka na sa kakareview, I'll make a glass of milk for you lara makatulog ka ng maayos. Tutulungan kita sa mga homeworks mo. I promise you Eumi, be my girlfriend and I won't do anything to harm you."

"Hindi ba masyadong mabilis kapag sinagot kita kaagad? Hindi naman ako easy-to-get na babae. Hindi ako katulad ng babaeng kasama mo sa sinehan. Hindi ako si Tracy. Hindi ako laruan, Domeng." nakakatakot magbigay ng sobrang tiwala. Paano na lang kung iwan n'ya akong bigla?

"I won't do that, Eumi. Forgive me if I was a jerk. Hindi ko naman gagawin ang bagay na 'yon sa'yo. Sobra kang special sa akin. Hindi ko alam pero sa maikling panahon na kasama kita, hindi ko alam pero unti unti akong nahuhulog sa'yo."

"Ibig sabihin ba n'yan? Kung gaano ka kabilis magustuhan ako ay ganyan rin kabilis ka magsasawa sa akin?" sabi ko sa kanya. "Hindi ako ginawa ng tatay at nanay ko para saktan mo lang ako."

"Hindi naman kita sasaktan, Eum-".

"But you already did!" I cut him off. The moment you kissed her ay nasaktan mo na ako. "Hindi ako mabilis mahulog sa isang tao kagaya mo, Domeng. Walang forever. Try mong bumili sa Forever21 baka meron." hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya.

"Okay, mukhang ayaw mo sa akin. Hindi ko naman kayang turuan ang puso mo. Hindi ko kayang diktahan 'yan kung sinong mamahalin mo. Let's just stay friends.. for now."

"Friends.." sagot ko sa kanya. "Mas mabuti muna na maging magkaibigan muna tayo. Diba nga? Friendship is the foundation of a strong relationship?" tanong ko sa kanya at tumango s'ya.

"But we can't remain friends forever." sagot n'ya at natameme ako. Wala sa bokabularyo ni Domeng ang paliguy-ligoy. S'ya na talaga ang straight cut. W..wait? Ano nga ba 'yun? Basta may straight sa english word na 'yon.

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon