**Special Chapter**
Meaning it wont affect the plot of the story. Di naman nakakatakot 'to. Di naman pag sinabing halloween eh kakatakutan. I hate horror stories kasi natatawa ako. But I love horror movies.
******
Halloween SpecialPag-uwi namin sa bahay galing school ay nagpahinga kaagad si Domeng dahil masakit daw ang ulo n'ya. Hays, kasi naman dapat nagbabayad s'ya ng utang e. Kunwari pa s'yang nagbabayad, e hindi naman talaga. Naku, may pagkaplastik din si Domeng minsan e.
Umakyat ako sa kwarto ko at nagsara ng pinto, alam n'yo naman na basta basta na lang pumapasok si Domeng sa may kwarto ng may kwarto. Mahirap na at nakawin n'ya ang mga laman ng bayong ko.
"Kakainis naman!" inis na sabi ko noong makita ko na nawawala ang binigay sa akin ni Domeng na sweatshirt. Ayun 'yung hiningi ko sa kanya e! Nasaan na kaya 'yun? Tanong ko sa sarili ko.
Pagkatapos ko magpalit ay pumunta ako sa ibaba para itanong kay Domeng kung nasaan 'yung sweatshirt.
"Hays, tulog pa rin." sambit ko noong nakita ko s'yang nakahilata sa malaki at malambot na itim na sofa. Napakamot na lang ako sa ulo ko ng wala sa oras, "Ano ba naman 'yan?" inalis ko ang nakasuot na sapatos sa paa n'ya. Noong masigurado kong komportable na s'ya sa suot n'ya ay isinaksak ko ang electric fat at itinutok sa kanya.
"Sleep well, Domeng." napangiti na lang ako habang ginagawa 'yun. Ang pogi n'ya talaga kapag natutulog, nakakainis! Sabi ko sa sarili ko.
Napagdesisyunan ko na lumabas na muna ng mansyon. Oo, alam ko na rin ang tawag sa tinitirahan namin. Paano ba naman kasi. Lagi akong pinipitik sa noo ni Domeng kapag sinasabi ko na palasyo. Ano bang masama doon? Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang takbo ng isip n'ya. Tsk!
Sa tagal ng pagsstay ko dito ay medyo close na ako sa mga kapitbahay namin. Oo, dumadami ang mga mare ko. Oh my! Nakakamiss sila kakwentuhan.
Trip nilang tanungin ako kung ano bang size ni Domeng. Kung may gan'yang bang cd si Domeng. Naku, di ko sila maintindihan minsan.
"Hoy mars!" tawag ko sa kasambahay sa tapat ng bahay namin. Tumingin naman s'ya sa akin at iniwanan bigla ang dust pan sa hardin nila.
"Hoy mare! Kamusta ka na? Naku ang ganda ganda talaga ng babaeng 'to!" puri n'ya sa akin at ibinandera ko ang binili sa akin ni George na damit noong nagshopping kaming dalawa.
"Naku mars!" ikinampay ko ang kamay ko sa harap n'ya, "Maliit na bagay!" at tumawa ako.
"Nasaan si Bryce?" malanding tanong n'ya. Hampasin ko kaya 'to ng dust pan? Kung makapagtanong e, ang harot harot.
"Nasa sala, natutulog." maikling sagot ko. "Pero pinalitan ko naman na s'ya. Syempre, hinubaran ko s'ya ng sapatos. Tapos medyas. Tapos 'nung coat n'ya. Ahh, gwapo gwapo ni Dominique 'no?" totoo naman na gwapo s'ya e.
"Hinubaran mo?!" nanlalaki pa ang mata n'ya noong tinanong n'ya at tumango naman ako. "Paksyet ka, yummy ng abs nun! Kakagigil!" pinanggigilan n'ya ang braso ko.
"Nako, kung alam mo lang mas masarap kaya hotdog nun." masarap magluto si Domeng ng hotdog. Naging favorite ko na nga ata 'yun.
Anong lasa kaya ng abs? Matikman nga minsan.
Tatanungin ko nga si Domeng mamaya kung pwede ko matikman abs n'ya. Syet, naeexcite ako!
"Ano? Natikman mo na hotdog n'ya?!" di n'ya makapaniwalang tanong. Sasagot na sana ako kaso biglang dumating si George at hinatak ako.
"Baket?" tanong ko. Para talagang kabute 'yung lalaking 'to. Ang hilig akong kaladkarin.
Nais ko pa man din isagot sa mars ko na, "Oo mars, malaki, mataba at mahaba 'yung hotdog ni Domeng. Naku, pamatay kaya 'yun." ugh, bakit ba ako sarap na sarap sa pagkaing 'yun? Di ko rin maintindihan.
BINABASA MO ANG
These Three Jerks
Novela JuvenilClumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Philippines to the city. Then she finally met these three jerks. At first, they thought that Eumice was a clumsy and an idiot girl, but what wil...