4. Ang Saging
Pagkatapos ng insidenteng nakakagutom. Jusko day, iniwanan ako ni pogi dito mag-isa sa palasyo n'ya. Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa kasi masosolo ko na 'to ng hindi ako kinakabahan.
Bago pa s'ya umalis ay nagkaroon pa kaming dalawa ng diskusyon. Medyo tao sa mula kasi ako tapos ayun iritang irita sa akin si pogi.
Pagkatapos ko mahimasmasan sa nakita ko. Pumunta si pogi sa kwarto ko. Nakapamewang pa s'ya at salubong aang kilay.
"Hala! Ano na naman pong ginawa ko pogi?!" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang suot ko, meron pa naman akong suot. Hala! Baka may ginawa sa akin si pogi habang tulog ako?!
"Jusko dong! Huwag kang lalapit! Makakatikim ka ng power ng bayong ko!" pumunta ako kaagad sa tabi ng mga bayong ko. Seryoso pa din si pogi.. iiling iling lang s'ya.
"Insane.." bulong na naman n'ya. Lagi n'ya na lang ako sinasabihan ng ganung salita. Laging insane..hay ewan ko sa kanya! Pwede naman kayang magtagalog.. lakas pa mag-english eh nasa Pilipinas lang naman. Lakas din pala ng tama sa ulo nito. Ay gyud!
"I'm going to leave. You'll be alone here. Kapag nagutom ka. Just open the ref, maraming pagkain dun. Don't be so stubborn. Huwag kang magpapasok ng iba. Get that?!" tanong n'ya sa akin. Hala, konti lang ang naintindihan ko sa sinabi n'ya.
"Aye! Hindi ako magpapasok ng iba. Tsaka paano 'yun? Pag nagutom ako?" tanong ko sa kanya. May malaki talagang question mark sa tuktok ng ulo ko. Inis na naman n'yang sinagot ang tanong ko.
"Refrigerator nga. Tss!" malay ko ba sa pinagsasabi n'ya. Mukhang nagets n'ya na hindi ko maintindihan kaya naman hinila n'ya ako pababa papunta atang kusina.
"This is what we call ref.." turo n'ya sa malaking kahon na kulay silver. "When you open this. Maraming pagkain. Kumuha ka na lang..okay na?" sabi n'ya ulit.
Napatango na lang ako habang naamaze sa malaking kahon na 'to sa loob ng palasyo n'ya. "Psst pogi! Diba tv 'yun?! Grabe! Ang laki ng tv mo! Parang ref! Hehehehe!" at least alam ko na ang tawag sa mga gamit dito sa bahay.
"Paano ba buksan 'yun?" s'ya naman ang tumingin sa akin ng masama. "Seriously?" tanong n'ya ng hindi makapaniwala. Tumango naman ako sa kanya.
Pumunta s'ya sa harap ng malaking tv. Tapos may kinuha na black na bagay. Sabay, "Huwow naman! Ang pogi!" sabay lapit ko sa harap ng tv. "Diba ikaw 'yan pogi?!" tanong ko sa kanya. Tumango naman s'ya kahit inis na inis na sa akin.
"Ehhh? Paanong napunta ka jan? Diba andito ka?!" tanong ko na naman sakanya. Sadyang makulit lang talaga ako. Malay ko ba kung bakit pinapalabas s'ya sa tv.
"Tss. I'm going to leave. Pag-aralan mo. " initsa n'ya sa akin yung remote control daw ang tawag dun.
BINABASA MO ANG
These Three Jerks
Teen FictionClumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Philippines to the city. Then she finally met these three jerks. At first, they thought that Eumice was a clumsy and an idiot girl, but what wil...