Chapter 44...Revenge
Aby's Point of View
Kanina pa akong hindi mapakali. Kanina pa kasing wala si Juliana. Hindi kami sabay pumasok kaninang umaga dahil may inasikaso ako pero nagtaka ako kasi pagbalik ko wala siya dito sa room. Tinanong ko si Yza pero ang sabi niya akala raw niya ay magkasabay kami.
"Hahanapin ko lang si Yana, Yza. Maiwan na muna kita." Paalam ko sa kaibigan ko.
"Sige ingat ka."
Tanghali na kaya naisipan kong hanapin siya ngunit unang tapak ko palang sa hallway, isang palad agad ang dumapo sa mukha ko. Napahawak ako dito at galit na tiningnan ang babae na walang iba kundi si Louise.
"How dare you!" I shouted at her.
"Cherly what's wrong?" Mula sa likuran ko, lumabas si Yza. "Louise?"
"How dare you!" Kitang-kita ko ang galit sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit. "Pinatay mo si Niel! Pinatay mo ang kaibigan namin! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!"
Literal na nagulat ako. "Ano?"
"He took a suicide. Namatay s'ya dahil mo! What right do you have to do that, huh?! Ano ang kasalanan niya sa 'yo para gawin mo 'to?!"
"What? Is that true?" Hinarap ako ni Yza.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala. Nagpakamatay s'ya? Bakit?
"Cherly. I'm asking you."
"No. Don't believe her." Muli akong tumingin kay Louise. "I...I didn't kill him. S'ya ang pumatay sa sarili n'ya kaya huwag mo akong pagbintangan." Sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko.
"You provoked him! This is all your fault!"
Galit ko siyang hinarap. "Pwede ba Louise? Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Niel. Sinabi ko lang ang totoo. Huwag mong isisi sa akin ang lahat dahil kayo naman talaga ang may kasalanan. Hindi niyo s'ya pinahalagahan. Naging walang kwentang kaibigan kayo sa kanya---"
Tinulak niya ako. "Shut the hell up! Kinaibigan namin s'ya para malayo sa mga bully-ing katulad mo! Pero ano ang ginawa niyo? Bakit kailangan niyo pa s'yang guluhin? Kung hindi mo lang sana siya sinabihan ng mga masasakit na salita, buhay pa sana siya ngayon!"
"You shut up!" Tinulak ko siya pabalik. "I don't care about his death! Dapat lang iyon para hindi na s'ya maging pabigat pa---"
Muli niya akong sinampal. "Ikaw ang walang kwenta! Pinatay mo si Niel! Ikaw ang pumatay sa kaibigan namin kaya ikaw ang dapat mamatay!"
I held her collar tightly. "Ang kapal ng mukha mo! Ano? Lalaban ka na? Ha?!"
"Cherly enough. Stop it. You're just putting on an embarrassing show. Actually, both of you. Discuss this in private." Inilayo kami ni Yza sa isa't isa ngunit ang masama naming tingin ay nananatiling naglalaban.
"Hindi ako natatakot sa 'yo. Gawin mo ang gusto mong gawin at gagawin ko ang gusto ko. Hindi kita aatrasan dahil papatayin kita!"
"Then kill me!" Inisang hakbang ko ang paglapit sa kanya. "Patayin mo ako kung kaya mo. Kapag hindi, isasama kita sa hukay at pagtatabihin ko pa kayong dalawa! And how dare you to slap me with your filthy hand?" Walang sabi-sabi ko siyang sinampal nang sobrang lakas. "Matuto ka kung paano ang tamang sampal. Gusto mo pa? Here."
Inangat ko ang kamay upang idapo muli ang palad sa kanyang mukha habang hindi pa siya nakakabawi sa una kong sampal. Binalak kong gawing mas malakas sa nauna para mas maramdaman niya na mali ang taong binabangga niya kaya lang...

BINABASA MO ANG
Pass or Die?
غموض / إثارةAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...