Chapter 45

79 11 0
                                    

Chapter 45...Accident


Mary's Point of View

Binaril n'ya lahat ng mga kalabang nandito sa paligid. Wala ni isang bala ang hindi tumatama sa kanila. Kapag may nakakalapit ay sinusuntok at sinisipa n'ya nalang. In fairness, ang galing n'ya talagang gumamit ng baril. Magpabaril kaya ako sa kanya?

I'm just here not too far from him. Sitting and waiting for him to finish. He doesn't know that I'm here mamaya nalang ako magpapakita.

May isang kalabang palapit mula sa kanyang likuran. Iginilid nito ang mga mata at saka ito sinipa patalikod at tinutukan ng baril sa ulo.

"Any last words?"

He shot him in the chest, but since he was still breathing, he asked him another question.

"Gusto mo na bang mamatay?"

Hindi ito tumugon pero alam kong gusto na niyang mamatay. Well, if I were him, I would want it too.

"Maghihirap ka pa ng ilang minuto bago mamatay kaya papatayin na kita agad. Now, how many bullets do you want?"

"I-isa...at siguraduhin mong mamamatay na ako nang tuluyan." Hirap nitong wika.

"Tch."

Hindi nito sinunod ang sinabi ng lalaki. Sunod-sunod niya itong binaril. Maraming beses tipong hindi ko mabilang kung ilan. Ayaw niyang tumigil kaya naman binato ko ang aking kutsilyo sa kanyang kamay dahilan para tumalsik ang baril sa malayo.

"Don't waste bullets on the dead." Sabi ko habang naglalakad palapit.

Nang makalapit, nakita ko sa malapitan ang patay na lalaki. Tadtad ng bala sa katawan at syempre, naliligo sa sariling dugo.

"Wow. Hindi mo talaga s'ya pinatawad. You're brutal like me." I said laughing.

Wala akong suot na mask. Nakalugay din ang aking buhok at wala akong suot na blazer. Tanging puting long sleeve polo uniform. Nothing. Komportable ako sa ganito.

"Nasaan ang mask mo? Baka may makakilala sa 'yo."

Pabiro kong inikot ang mga mata. "Sinigurado kong walang ibang tao dito."

Hinila niya ako palapit sa kanya at inayos ang aking necktie. "Be a normal student. Hindi mo kailangang maging assassin ngayon dahil kasama mo ako."

Ngumiti ako. "Owkey! Let's go somewhere! Iwanan natin sila."

"Bumalik na tayo sa room."

"Ayaw! Maaga pa. Kain tayo bilis libre mo ako!"

"Ayoko---What the..."

"Huwag ka nang tumanggi."

Hinila-hila ko ang kanyang braso hanggang sa wala na itong nagawa kundi ang magpahila sa akin papunta sa kung saan.






"Kyaaaah! Nakakakilig sheeeet!"

Para akong uod na inasinan. Sa sobrang kilig, hindi ko na napansing posible akong mahulog.

"Tsk. Kumalma ka. Baka mahulog ka." Si Bruise na humawak sa aking braso.

Umalis ako sa pagkakaupo sa edge ng rooftop at tumayo sa tabi niya. "Ang saya pala talaga magbasa ng kwento. Feel ko ang eksena kahit sa imahinasyon lang."

"Really?"

"Yep! 'Yung leading man kasi, umamin sa bida na mahal niya siya. Shiiit nakakakilig sana all." pumadyak ako habang pumapalakpak pa.

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon