01| The Club

2.6K 20 0
                                    

1| The Club

Only a few more minutes.

Sa likod ng kanyang suot na maskara'y palihim na sinulyapan ni Chandra ang orasan na nasa dingding. Pagkuwa'y kinuha niya ang tequila na nasa round table at inisahang tungga iyon. Hindi na siya makapaghintay na matapos ang oras niya kasama ang isang kliyente. Magdadalawang oras na silang naroon sa pribadong kwarto na inilaan sa mga VIP guests. Doon naghihintay ang mga costumers na pumipili sa mga babae pagkatapos nilang sumayaw.

At ang kaharap niya'y matagal ng may interes sa kanya. Magmula pa man yata ng pumasok siya sa Club ay isa na ito sa mga madalas nagbo-book sa kanya. Hindi nga lang niya maibigay ang gusto nitong ekstrang serbisyo dahil hindi siya kabilang sa Beauty's Angels.

Iyon ang palakaran sa Club kung saan matagal na siyang nagtatrabaho bilang Dancer. Hindi niya ginusto na mapunta sa sitwasyong iyon. Pero iyon na lamang ang tanging paraan na naisip niya para mabayaran ang lahat ng utang na naiwan ng mga magulang nila sa kanya. Pareho kasing nasawi ang mga ito nang sumalpok ang sinasakyan nitong jeep sa kasalubong nitong bus. Dead on the spot ang dalawa kasama ang ilang sakay ng jeep. Pareho na sana itong pauwi galing trabaho ng mangyare nga ang trahedyang iyon.

Ngunit kasabay nga ng pagkawala ng mga ito'y ang pagsulpot ng mga taong pinagkakautangan nito.

Hindi naman niya ang mga ito masisisi dahil alam niyang sa pag-aaral nilang dalawa magkapatid inilaan iyon lahat. Sa kasamaang palad nga lang ay kinailangan niya ring huminto. 26 years old na siya pero hindi na siya nakatungtong pa sa Kolehiyo. Kaya ngayo'y pinag-iipunan niya rin ang pag-aaral ng kapatid na Graduating na sa Highschool. Gusto niya kasi na kahit ito man lang ay makapagtapos ng pag-aaral para makahanap ito ng marangal na trabaho.

Hindi tulad niya.

Saktong alas dose ng gabi'y nagpaaalam na siya kay Mr. Flores na halos hindi na makapagsalita sa kalasingan. Iniwan na niya ito kasama ang isang bodyguard nito na naghihintay sa labas.

“Good job for tonight, Cee. Here's your share.” Iniabot ni Mamá Beauty ang kalahati sa mga napag-ipunan niya galing sa mga kliyente. Medyo makapal ang sobre na ibinigay nito kumpara sa mga nakaraang gabi. Marahil napansin nito ang nagtataka niyang ekspresyon kaya muli itong nagsalita. “Someone gave you a big tip. He said he'll be looking forward to meet you soon.”

Dahil wala na siyang suot na maskara'y kita ang pagkunot niya ng noo. “Ho? Sino?”

“Ayaw niyang sabihin pero solid siyang costumer dito sa Club. And he has been eyeing you, girl.” Kinindatan pa siya ng Bading bago ito tuluyang lumabas sa dressing room nilang mga dancer.

“Well, well, looks like big shot ang naging last costumer mo, ah.” Si Jacky, isa sa mga dancer sa Club na naging kaibigan na rin niya. Nilapitan siya nito habang nakatingin sa sobreng hawak niya.

“Hindi. Si Mr. Flores ang last kong kliyente,” tugon niya.

“Ha? Kung ganun sino nagbigay sayo ng malaking tip? Eh, kuripot ‘yon, ah.”

Kumibit siya ng balikat. “Yan rin ang hindi ko alam.”

May sasabihin pa sana ang babae nang tawagin ito ni Monna. Isa rin sa mga kasamahan nila ng babae at matalik rin nilang kaibigan. Pero sa halip na intindihin ang mga ito'y napaisip siya sa mga sinabi kanina ni Mama Beauty.

Sino naman kaya ang taong tinutukoy nito? Kung solid costumer ito ng Club, ibig-sabihin maaaring nakita na niya ito. Halos kilala na kasi niya ang mga lalaking pabalik-balik sa lugar. Pwera na nga lang sa mga taong nakasuot ng maskara. Iilan kasi sa mga pumupunta dito ay mga kilalang tao rin kaya binigyan sila ng karapatan ng Club na magsuot ng maskara para maingatan ang imahe nila. At para na rin makaiwas sa kahit anong iskandalo.

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon