14| The Encounter
MAHABANG ungol ang pinakawalan ni Chandra matapos muling maabot ang nakakabaliw na pangatlong orgasmo niya nang gabing iyon.
Habol ang hiningang bumagsak silang dalawa ni Theron sa kama nito.
“You know, I think it's time for me to introduce myself to your brother.”
Napabaling siya sa lalaki na ngayo'y nakatingala sa kisame. Pareho ng kumakalma ang paghinga nila. “Pero hindi ko alam kung paano ito tatanggapin ni Ceth.”
“I've already met Ceth. And I think magkakasundo kaming dalawa kapag mas lalo niya akong nakilala.” Tumagilid ito ng higa at saka sinalo ang ulo sa nakabukang palad nito. “Besides, we can't keep hiding like this to him. Ceth has the right to know our relationship.”
Relasyon. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na nobyo na nga niya ang lalaki. Ngunit tama naman ito. May karapatan si Ceth na malaman ang relasyon nila. Hindi pwedeng patuloy niya lang itong itago dito. Lalo pa't alam niyang naghihinala na ito sa mga kakaibang kinikilos niya nitong mga nagdaang araw.
Kung hihintayin pa niya na ang kapatid ang makaalam niyon ay mas lalo itong magagalit sa kanya.
“Sige,” ayon niya sa sinabi nito. “Pero hindi muna sa ngayon. Exam week kasi nila at ayokong mawala ang atensyon niya sa pag-aaral.”
“Of course. I'll wait whenever you're ready.”
Hindi niya napigilang haplusin ang kabilang pisngi nito. “Salamat sa walang sawang pag-intindi.”
Ngumiti ito't ginagap ang kamay na nasa pisngi nito pagkuwa'y dinala nito iyon sa mga labi nito saka hinalikan. “Well, should I get a reward for that?”
Natatawa siyang pinaikot niya ang mga mata. “Kailangan ko ng umuwi. Baka kasi magtaka si Ceth kapag naabutan pa niyang wala pa ako sa bahay. Ang paalam ko lang sa kanya'y makikipagkita ako sa mga dating katrabaho ko sa Club.”
Napaupo ito. “You still have contact with them?”
“Oo. Halos araw-araw nga nila akong tawagan para lang kumustahin,” aniya na napangiti pa nang maalala ang pangungulit ng mga itong bisitahin na sila sa Club.
“But you haven't gone to see them?”
Umiling siya. “Hindi pa nga, eh. Sa totoo niyan namimiss ko na rin sila.”
“Then why don't you invite them here? Gusto ko rin silang makilala.”
Bahagyang nanlaki ang mata niya pagkarinig sa sinabi nito. “Talaga? Pwede ko silang imbitahan rito?”
Nakangiti itong tumango. “Of course. I'd rather have you invite them here than meet up with them in the Club.”
“Bakit naman?” takang tanong niya rito.
“I don't want you going back in that place,” sagot nito na sumandig sa headboard ng kama at tumingin sa unahan.
“Sa Club?” segunda pa niya na mas lalo niyang ipinagtaka. “Pero bakit? Eh, hindi ba't lagi ka namang pumupunta doon?”
“Isang beses lang akong pumunta sa lugar na iyon kapag ayoko sa Bar ni Drake. Once a week, I guess. And that was even before you started working there.” Hinaplos nito ang magulong buhok dahilan para bahagyang gumalaw ang mga muscles nito sa braso.
Iniiwas niya ang tingin rito. Baka kasi kung saan na naman sila mapunta kapag nahuli nitong nakatitig siya sa katawan nito.
“It was just solely because of you why I keep coming back there.” Binalingan siya nito ngunit sa pagkakataong iyon ay mas naging seryoso ito. “I never asked you kung anong dahilan mo bakit ka nagtatrabaho dun. Because I know you wouldn't want me to feel uncomfortable. But if you've just told me na dahil pala sa pagkakautang mo sa may-ari natulungan sana kita. Ako sana ang tumulong sa'yo para makaalis ka dun instead of...”

BINABASA MO ANG
Trapped To You🔞
RomanceW A R N I N G: Contains mature content and strong violence. Read at your own risks. | SPG| R18+| [ UNDER REVISION] Isa lang naman ang hinahangad ni Chandra Rovero sa buhay niya..at iyon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kapatid niya. Ngunit h...