13| Party

347 8 3
                                    

WARNING: Contains mature contents ahead.|R18+|

13| Party

BAKIT hindi mo sinabi sa'kin na birthday mo pala ngayon?” ang saad ni Chandra kay Theron na inakay na siya patungo sa isang mesa kung saan nakaupo na ang ama at kapatid nito.

“Happy birthday, man!” ang bati ng halos mga nadadaanan nilang mga kaibigan at kakilala nito.

“Thanks, everyone. Please enjoy the night,” ang tugon rin ng lalaki na iniiwanan ang mga ito ng isang ngiti. Nang muli itong bumaling sa kanya'y pinisil nito ang kamay na nakahawak sa braso nito. “And it's okay. Having you here with me is already the best gift for me.”

Hindi na siya nakasagot pa rito nang tuluyan na silang makarating sa mesa nila. Pinaghila siya nito ng upuan katabi ang isang babae na abalang kausap ang kapatid ni Theron.

Napataas siya ng kilay nang mapansin kung gaano kaaliwalas ang mukha nito kahit na hindi ito nakangiti. Mas nagiging kamukha ito ni Theron kapag ganitong hindi nakasimangot ang hitsura nito.

Nang marahil mapansin nitong may nakatingin rito'y bigla itong nag-angat ng tingin sa gawi niya. Napaiwas siya ng mga mata rito. Minabuti niya na lamang itutok ang atensyon sa lalaking nagsimula ng magsalita mula sa entabladong ginawa sa malawak na hardin na iyon.

Inumpisahan nitong batiin ang mga bisita pagkuwa'y tinawag nito si Theron na ginagap muna ang kamay niya bago ito tumayo at pumunta sa stage.

Nagpasalamat lamang ito sa mga taong nagkaroon ng oras para pumunta sa party nito. Maging sa ama nitong kumaway lang at ngumiti. Syempre hindi rin nito nakaligtaan ang kapatid na tinaasan lamang ito ng kilay.

Natawa tuloy siya. Kung hindi lang dahil sa magkahawig ito'y hindi niya maiisip na magkapatid ang dalawang ito. Marami pang sinabi si Theron bago ito nakababa ng entablado. Ngunit hindi na ito halos nakalapit sa kanila nang salubungin na ito ng ilan sa mga bisita nito.

Mukhang kanina pa ang mga ito naghihintay ng pagkakataon na kausapin ang lalaki.

“Hello.”

Napabaling siya sa katabi niyang babae nang marinig niya itong nagsalita.

“Um, hi.” Kimi siyang ngumiti rito.

Kinuha nito ang dalawa niyang kamay at ikinulong sa mga palad nito. “Natutuwa ako't sa wakas pinakilala ka na ni Theron sa amin.”

“Laura,” tawag ni Kuya Maurize sa babae na nilingon ito. “Don't say anything weird to her.”

Napangiwi siya nang marinig ang seryoso at striktong boses nito. Okay. Magkapatid nga sila pero ibang iba ang ugali nila sa isa't isa.

“Gusto ko lang naman magkwentuhan kami,” tugon ng babae na muli siyang tinignan. “Tayo na lamang muna mag-usap. Hindi rin kasi ako makarelate sa pinag-uusapan nila, eh. Puro business talk.”

Hindi na siya nakatanggi pa rito nang akayin na siya nito palayo sa mesa nilang iyon. Nakita pa niyang susundan sana sila ni Kuya Maurize nang pigilan ito ng ama.

Dinala siya ng babae sa isang mini bar na nasa loob ng bahay. Pagkaupo nila sa high stool ay kumuha ito ng dalawang baso at saka sinalinan iyon ng alak.

“Umiinom ka naman, diba?” tanong nito na ibinigay na sa kanya ang baso.

Tinanggap niya iyon. “Oo. Pero hindi pa rin ako pwedeng uminom ng marami.”

Baka kasi magtaka si Ceth kapag umuwi na naman siyang lasing. Hindi pa naman siya nakapagpaalam rito ng maayos. Siguro'y papaliwanagan na lamang niya ito kapag nagtanong.

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon