21| Her Decision

270 6 2
                                    

21| Her Decision

HININTAY muna ni Orrest na tuluyang makaalis si Chandra sa restaurant bago niya piniling tumayo na rin sa kinauupuan para umuwi. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay nakaramdam na siya ng hilo.

“Young Master!” sigaw ni Andrius na kaagad dinaluhan ang lalaki. Hawak ang braso na inalalayan siya nitong muling maupo.

Hindi ito nagsalita pero alam ni Orrest ang tumatakbo sa isip nito.

“I'm fine,” tiim-bagang na saad niya na pilit iniignora ang kanina pa nararamdamang hapdi at kirot sa likod niya.

Nagsalubong ang dalawang kilay nito na tila nagalit ito sa sinabi niya. “Isn’t it enough that your father almost killed you because of her and now you want to help her?”

Tinutukoy nito ang ginawa sa kanya ng ama nang malaman na nitong hindi pa rin niya nahahanap ang hard drive. His father was so mad that he punched him in the face the moment he entered on his office that night. It wasn't even enough when he put him again on that dark dungeon and was mercilessly punished. Rouge was doing some side missions so he wasn't there at that time. If it weren't for Andrius stepping in, he wouldn't be able to get out of there alive.

Nang hindi sumagot si Orrest ay muling nagsalita ang lalaki, “she's of no value. Helping her would only put your life in danger.”

“Andrius..” Binigyan niya ito ng masamang tingin na ikinapako nito sa kinatatayuan. “What I dislike the most is those people questioning what I do. You should have known better than anyone else.”

“I know. But don't you ever forget that I warned you,” ang paalala pa nito.

“I'll try to keep that in mind.”

Naikuyom na lamang ni Andrius ang dalawang kamao. Gusto pa sana niyang magsalita pero natitiyak siya na oras na kontrahin pa niya ito'y hindi na nito iyon palalampasin pa. He really hates it when someone opposing his wishes. Those who disobeyed him are now no longer breathing.

And he doesn't really want to be in his bad side right now. Because there's more other important things that he should think first. And that is the woman troubling Orrest's mind right now. It would be a huge problem when she finally gets into Orrest’s life.

Everything would be messed up not just for Orrest but for that woman as well.

* * *

Gabi na nakauwi si Chandra sa bahay ni Theron matapos niyang makipagkita kay Orrest. Naisipan pa kasi niyang dumaan muna sa bahay nila para tignan ito. Nagbakasakali lamang siya kung may makukuha pa siyang gamit na pwede pang mapakinabangan. Pero tulad sa condo unit ni Theron, tanging mga parte at wasak na lamang na gamit ang nadatnan niya.

Sa bahay na iyon na sila lumaking dalawa ni Ceth kaya nang makita niya ang nangyare rito'y ikinapanlumo niya ng labis. Nanghihinayang siya hindi dahil sa iyon lamang ang tanging naipundar ng mga magulang niya para sa kanila, kundi dahil marami silang mga alaala doon ni Ceth na kasamang nawasak sa bahay na iyon.

Mahirap pa rin para sa kanya na tanggapin ang nangyare. Pero pinangako niya sa sarili niya na aalamin niya kung sino ang may kagagawan nito. At titiyakin niya na magbabayad ito doble pa sa mga kinuha nito sa kanya.

Iyon ang huling binitiwan niyang pangako bago siya tuluyang umalis sa lugar na iyon.

“You're finally home.”

Napadako ang tingin ni Chandra sa mahabang sofa kung saan nakaupo si Kuya Maurize habang nakahalukipkip. Masyado kasi siyang okupado ng iniisip niya kaya hindi niya ito agad napansin habang papasok siya sa bahay ni Theron. At base sa nangangalahati na nitong kape'y kanina pa ito nakaupo doon.

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon