07| Kidnap

578 5 1
                                    

07| Kidnap


I WILL have you soon underneath me, little bird. Naked.”

Paulit-ulit na rumehistro sa isip ni Chandra ang mga katagang iyon na iniwan sa kanya ni Theron habang naglalakad na siya pauwi ng bahay nila.

Nagpaalam ito sa kanya na ilang araw muna itong hindi makakabisita sa Club dahil aalis daw ito ng bansa. May business trip itong dapat puntahan kaya kinailangan nitong pumunta ngayong gabi sa Club para makita lang daw siya.

Hindi nga niya alam kung paano pa niya narinig ang mga sinabi nito matapos ng ginawa nito. Masyado siyang naguluhan sa mga nangyare kaya pakiramdam niya'y sasabog na ang ulo niya sa sobrang sakit niyon. Dagdagan pang kanina pa siya nilalamig.

Mukhang lalo pa yatang sumama ang pakiramdam niya.

Hindi pa man nga siya gaanong nakalalayo sa Club nang may humintong pulang sasakyan sa harapan niya. Mula doon ay lumabas ang dalawang lalaki na sa pagkagulat niya'y sapilitan siyang hinila papasok sa sasakyan ng mga ito. Ang balak niyang pagsigaw ay naputol nang mabilis takpan ng panyo ang bibig niya.

Pinoproseso pa niya ang mga nangyayare nang marinig niyang magsalita ang lalaking nasa harapan niya. Samantalang nasa magkabila niya nakaupo ang dalawang lalaki na marahil ay tauhan nito.

“Ahh. It's good to finally meet you in person, Cee. Or should I say Chandra Rovero.”

“Mhm?”

Sinenyasan nito ang isa na tanggalin ang busal sa bibig niya pagkatapos ay lumabas na ang mga ito ng sasakyan. Nang sila na lamang ang naiwan ay muli niya itong binalingan.

“Anong kailangan mo sa'kin?” Sa kabila ng takot na nararamdaman ay sinubukan niyang pakalmahin ang sarili.

Mula sa pagkakahalukipkip nito'y ipinatong nito ang dalawang siko sa parehong tuhod. Pagkuwa'y inilapit nito ng bahagya ang mukha sa kanya para titigan siya ng malapitan.

“What a beautiful face,” sa halip ay anas nito.

Napapiksi siya palayo rito nang subukan nitong haplusin ang kaliwang pisngi niya. Nakita niya ang pagtalim ng mga mata nito nang maiwan sa ere ang kamay nito na dahan-dahan nitong ibinaba. Ngunit saglit lamang iyon nang ngumiti ito't bumalik na sa pagkakaupo nito.

“You're confused, I know. But it's alright. I won't hurt you if you just listen to me.”

“At bakit ko naman iyon gagawin?”

“You dont want me to hurt you, sweetheart.”

Kinilabutan siya hindi dahil sa narinig kundi sa paraan kung paano nito iyon sabihin. Napalunok siya. “Sino ka ba talaga?”

“Ah, my apologies.” Mahina itong natawa at saka hinaplos ang medyo may kakapalan nitong maitim na buhok. “I'm Craige Alforte. And I have been watching you for a long time now.”

Natigilan siya. Bigla kasing pumasok sa isip niya ang mga sinabi nina Monna sa kanya. Ang mga babala nito tungkol sa mga lalaking hanap lang ay ang magpapawala ng uhaw sa mga gutom nitong laman. Pero hindi niya inakalang mangyayare iyon ngayong gabi kung kailan masama pa ang pakiramdam niya.

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon