16| A Promise

288 4 3
                                    

WARNING: Contains mature contents ahead.|R18+|

16| A Promise

LOOKS like we got played.”

Mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa'y napabaling ng tingin si Rouge kay Orrest. He was sitting on his swivel chair while looking at his laptop's screen.

“What do you mean, Young Master?” si Andrius ang nagtanong na nakaupo rin sa single couch na kaharap niya lang.

“This is just a normal drive,” tugon ng lalaki na binunot sa pagkakasaksak sa laptop nito ang hard drive.

“That was the only thing on that backpack's kid,” aniya. Siniguro pa nga niyang iyon ang hard drive bago ito dalhin rito kaya hindi siya pwedeng magkamali. “Unless you're telling me that he swapped it with a different one?”

Sumandig sa kinauupuan nito si Orrest at saka malalim na nag-isip. “That's possible. Dahil sa tingin ko naman hindi na magagawa pang magsinungaling ni Mr. Lacson sa huling hininga ng buhay niya.”

“But why would Ceth Rovero do that? I mean, changing it to a fake when he didn't even know what it was,” ang naguguluhang sabi pa ni Andrius.

“Because he already saw what was there,” ang walang kagatol-gatol na sagot naman ni Orrest.

Napataas ng kanang kilay si Rouge nang hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang pagkislap ng mga mata ng lalaki. Bagaman hindi ito nakangiti'y halata namang nasisiyahan ito. But contrary to his reaction, Andrius is somewhat worried.

“Hindi ba't mas malaking problema iyon? Your father will be even more furious when he finds out that someone has seen it.”

Sa totoo niya'y hindi naman talaga iyon ang inaalala ni Andrius. Dahil ang mas iniisip niya ay ang mangyayare kay Orrest kapag nalaman nga iyon ng ama nito. Ilang beses na kasi niyang nakita kung paano parusahan ang lalaki. At halos ikamatay nito iyon kung hindi lang dahil kay Rouge na kadalasan ay sinasalo at inaako ang pagpapahirap rito.

If it's not for Rouge, his Master would have still be kept in those dark cell alone everytime he would disappoint his father. Just like when he was a child. He thought it was his father's way of disciplining him that's why he never said anything.

“I would love to see his reaction,” ngumisi pa ang lalaki pagkasabi niyon.

“This isn't a laughing matter, Young master. The situation is getting even worse.”

“But this makes everything more interesting,” ani pa nito na parang hindi nga malaking problema ang kinakaharap nila. Nilingon nito si Rouge. “Where did you say they were staying again?”

“De Salva's,” ang tipid nitong tugon.

Akala ni Andrius ay magagalit ito kapag nalaman nito iyon pero sa halip ay mahinahon pa itong nagsalita.

“Let's take this chance while they are away. If Ceth hid the real one, that means he knows that someone was after it. Their house was the only place he could keep it safe. We have to retrieve it at all cost, Rouge.”

“As if I have a choice.”

Tumayo na si Rouge pero bago pa nito tuluyang marating ang pintuan ng pribadong opisina nito'y nagsalitang muli si Orrest.

“Oh, and don't kill him.”

Hindi na sumagot pa si Rouge at tuluyan na lamang umalis sa kwartong iyon. Like he could do something about that even if he wanted to.

Nang sila na lamang ang naiwan sa opisina'y tumayo si Andrius para lapitan ang lalaking mataman pa ring nakatingin sa laptop nito. “All secrets must be burn to ashes. Seems like you already forgot about that. Nakita na ni Ceth Rovero ang nilalaman ng hard drive, that means he became an evidence. This is the more reason why we have to kill him.”

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon