12| The Date

428 10 3
                                    

12| The Date

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Chandra si Theron na ngayo'y nakaupo na sa kabilang dako ng kama. Nakasuot na ang pantalon nito samantalang siya'y nakabalot ng kumot ang hubad pa ring katawan.

Kinakalkula niya ang iniisip nito habang hinihintay itong magsalita. Pero habang nakatingin sa likod nito'y iisa lang ang pumapasok sa isip niya.

Iyon na ba? Ngayong nakuha na nito ang gusto sa kanya'y maaaring hindi na niya ito makita pa. Hindi na ito mangungulit sa kanya. Hindi na magpipilit na makausap siya.

Pero iyon naman talaga ang gusto niya sa simula pa lang, diba? Matagal na niyang hinihiling iyon rito. Kaya bakit naninikip ang dibdib niya kapag naiisip niyang hindi na niya ito makikita pa?

“I'm sorry.”

Napakislot siya sa pagkakaupo sa kama nang bigla na lamang itong magsalita. Pero napangisi rin nang mapagtanto ang sinabi nito.

“Bakit? Nagsisisi ka sa nangyare sa'tin?” tuya niyang tanong rito na sumandig sa kinahihigaan. “Kung iyon ang ikinakabahala mo'y huwag kang mag-alala. Hindi ako maghahabol. Nasa tamang edad na tayo para gawin iyon. Saka hindi ko naman iyon first time kaya—”

“I'm sorry,” muling ulit nito na pinutol siya sa pagsasalita. Pero sa pagkakataong ito'y lumingon na ito sa gawi niya. “I'm sorry because this has to happen first before I realized something, little bird.”

Napataas siya ng kaliwang kilay niya. “At ano naman iyon?”

Seryoso ang mga mata na sinagot siya nito. “I want you to know me better. This time without a mask on. Without hiding anything.”

Mahigpit siyang napakapit sa kumot na tanging tumatakip sa walang saplot niyang katawan nang bahagya siyang mailang. Para kasing muli siya nitong hinuhubaran sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya.

“Um, a-anong ibig mong sabihin?”

“I'll fetch you here tomorrow at exactly 5:30 in the evening.”

“Uh, wait..bakit?” ang naguguluhan pa niyang tanong rito.

“It might be too late but I want us to have a proper date.”

“Date?” ulit niya sa narinig mula rito.

Tumango ito. “So prepare yourself until then.”

Hindi na nga nakasagot pa si Chandra sa lalaki nang matapos sabihin iyon ay nagbihis na ito. Iniwanan lamang siya nito ng halik sa noo bago ito tuluyang umalis sa bahay nila.

Date.. Magkakaroon sila bukas ng date ni Theron? Mag-d-date sila?

Wait, totoo ba ito? Hindi ba siya nananiginip lang? Baka kasi nakatulog siya pagkatapos ang nangyare sa kanila ni Theron. Hindi niya kasi maiisip na aalukin pa siya nitong magdate dahil ang akala niya'y hindi na nito gugustuhin na makita pa siya. Dahil ang akala niya'y una pa lang katawan lang niya ang habol nito. Na matapos siya nitong matikman ay hindi na siya nito kakausapin pa.

Ngunit sino nga ba naman siya para husgahan ito gayong hindi pa niya ito lubusang nakikilala?

Nasanay na kasi siya sa mga taong nakapaligid sa kanya na ang gusto lamang ay pagsamantalahan siya. Na halos nakalimutan na niya na may mga tao pa palang sensiro katulad nito.

* * *

Dumating rin ang araw na sinabi ni Theron sa kanya. Sinundo siya nito saktong alas-singko y trenta ng hapon pagkuwan ay may pinuntahan silang dalawa. Akala niya'y didiretso na sila sa pagdadalhan nito sa kanya pero laking pagtataka niya nang pumunta sila sa isang botique shop.

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon