15| Threat

322 5 6
                                    

15| Threat

PLEASE, MR. MONDELLI! I'll tell you everything you want to know! Just let me live, please!” ang pagmamakaawa ng isang matanda kay Orrest habang nakaluhod ito sa harap ng huli.

Marami na sa mga tauhan nito ang wala ng buhay na nakahandusay sa sahig ng pribadong opisina nito nang subukan nitong pigilan ang lalaki. Ngunit mas alam nito na walang sinuman ang kayang pumigil kay Orrest. Especially with his men who is mostly trained killers. They were personally hired by his father just to protect him.

But there's only one person he could fully entrust his life and that's no other than Rouge.

“I don't like wasting my time, Mr. Delloro. If you don't want this next bullet to be in your head, you have to answer me properly,” aniya na pinaglaruan ang hawak na baril habang nakaupo sa swivel chair nito. “Now, who else other than you is looking for the drive?”

“T-The other Organizations!” agad na tugon nito na pinunasan pa ang nagdurugong ilong. “They just told me about it! And I-I heard they were planning something!”

“What is it?”

“I-I'm sorry, Mr. Mondelli! This is the only thing I know! Please, just let me go! Let me li—”

BANG!

Bumagsak na ang katawan ng matanda bago pa man nito matapos ang sinasabi. Humalo ang sarili nitong dugo sa dugo ng mga tauhan nitong kanina pa malamig na mga bangkay.

Mukhang mahihirapang maglinis ang mapag-uutusan nito.

Marahas na bumuntong-hininga si Orrest. “Looks like this has become a huge mess.”

“What do you want me to do?”

Tumayo si Orrest na ibinigay kay Andrius ang hawak na baril at saka isinara ang butones ng suot niyang suit.

“Call Rouge,” seryosong wika niya. “I want to talk to him.”

“Understood.”

Nang mawala na si Andrius sa kwartong iyon ay lumapit siya sa bintana kung saan natanaw niya ang ilang sasakyan na papasok sa malaking gate. Nasisiguro niyang mga tauhan pa ito ni Mr. Delloro. Mukhang nalaman na ng mga ito ang nangyare sa boss nito. Too bad though dahil wala na silang maaabutan pang buhay sa bahay nitong iyon.

* * *

“Ate?”

Mula sa pagkakatulog sa balikat ni Theron ay agad na napabalikwas ng bangon si Chandra nang marinig niya ang tinig na iyon ng kapatid. Sinamahan kasi siya ng lalaki sa pagbabantay sa kapatid na ngayon pa nga lang nagigising ng mga oras na iyon.

“Ceth, mabuti't gising ka na!” wika niya nang daluhan niya ito sa kama.

Inalalayan niya ito nang magpumilit itong maupo. Nilagyan niya lang ng unan ang likod nito para maayos itong makasandig sa headboard ng kama.

“Na..Nasa'n tayo?” tanong nito nang marahil mapansin nitong hindi iyon ang bahay nila.

“You're in my house,” si Theron ang sumagot na lumapit na rin sa kanila.

“Ikaw?” ang kunot-noong saad ng kapatid nang marahil makilala ang lalaki. “A-anong ginagawa namin rito sa bahay mo?”

“I brought you here para siguruhing ligtas kayong dalawa ng ate mo. After what happened to you I don't think going back in your house was the best idea,” ang paliwanag ni Theron na lalong ikinasalubong ng kilay ni Ceth.

“Pero bakit?”

“Let's just talk about it later. Kanina ka pa namin hinihintay magising para itanong kung kilala mo ang may gawa nito sa'yo,” sa halip ay wika ng lalaki na pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Kailangan nating malaman kung sino ang taong nagtatangka sa buhay mo. Natatandaan mo ba kung sino sila?”

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon