17| Surprise

288 2 2
                                    

WARNING: Contains mature contents ahead.|R18+|

17| Surprise

ANO BANG ginagawa natin rito, Theron?”

“I just have something to show you, little bird.”

Naguguluhang sinundan na lamang ni Chandra si Theron nang akayin na nga siya nito palabas sa elevator. Hawak-hawak nito ang kamay niya habang binabaybay nila ang kahabaan ng hallway ng isang condominium unit.

Gabi na niyon kaya hindi niya inaasahan na may pupuntahan pa sila ng lalaki. Sinabihan lang kasi siya nitong magbihis dahil lalabas daw silang dalawa. Ilang beses na nga siyang nagtanong kung saan sila pupunta pero puro pahapyaw lang na sagot ang mga sinasabi nito.

Napahinto siya sa paglakad nang mapansing tumigil rin ito sa harap ng isang pinto. May inilagay muna itong passcode doon bago nito iyon binuksan at saka siya giniyang pumasok.

“Kaninong condo ito?” tanong niya nang tuluyan na silang makapasok sa loob. Narinig niya ang pagsara nito ng pinto.

“It's mine but I don't usually stay here,” tugon nito.

“Siguro'y dito mo madalas dinadala mga babae mo dati,” hindi niya napigilang saad.

Iyon kasi ang agad pumasok sa isip niya nang malaman na pag-aari nito iyon. Paniguradong marami na itong babae na dinala roon. Pero inaamin niyang naiinis siya kapag iniisip niyang hindi siya ang unang babae na nakapunta roon.

Mula sa likod ay pumulupot ang mga braso nito sa bewang niya. “Do I hear jealousy in that voice?”

“Hindi, 'no!” agap niyang sagot na tumingin sa ibang direksiyon. “Bakit naman ako magseselos? Labas na ako sa kung ano man ang ginagawa mo noon.”

Mahina itong natawa. “God, little bird. How can you be so cute and sexy at the same time while being jealous?”

“Hindi nga sabi ako nagseselos, e!”

Pinilit niyang kumawala sa mga bisig nito pero lalo lamang nito iyong hinigpitan. Sisitahin na sana niya ito nang maramdaman niyang dumampi ang mainit nitong labi sa batok niya na siyang ikinasinghap niya.

“Don't worry, little bird. I have never brought a woman here before,” ang malambing na anas nito. Napapikit siya nang dumaan ang mainit nitong hininga sa tenga niya.

“Talaga?”

Naramdaman niya ang pagtango nito sa batok niya. “Yes. Because this condo belongs to you now.”

Bigla ang ginawa niyang pagdilat nang marinig iyon. Pagkuwa'y nilingon ito. “Teka, anong sabi mo?”

Ngumiti ito. “You heard me right, little bird. From now on you will be living here with your brother.”

Nagawa na niyang makawala rito nang mapansing lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. “Nagbibiro ka ba? Bakit naman kami titira dito, eh may bahay kami?”

Napataas ito ng kilay at saka namulsahan. “Did you really think na pababalikin ko pa kayo sa bahay ninyo?”

“Iyon ba ang dahilan kung bakit tayo nandito?”

Tumango ito. “Yes. Because I wanted to surprise you.”

“Pero bakit?”

Sinundan niya ito ng tingin nang tinungo nito ang mahabang sofa at doo'y maupo. “Alam ko naman kasing hindi mo tatanggapin ang alok ko kapag sinabi kong doon na kayo manatili sa bahay ko. Kahit pilitin pa kita'y nasisiguro kong hindi ka rin papayag. Kaya para maging komportable ka'y dito na lamang kayo mamamalagi sa condo ko.”

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon