22| Mrs. Mondelli

339 6 4
                                    

22| Mrs. Mondelli

HOW are you living in the mansion? Are you getting used to it?”

Mula sa panonood sa mga isdang naglalaro sa pond dito sa hardin ay napalingon si Chandra sa bagong dating. Tumayo siya sa pagkakaupo sa gilid ng pond at saka hinarap ang lalaki.

“Maayos naman ang pakikitungo ng mga tao sa akin dito kaya kahit papaano'y nakakapag-adjust na ako,” ang walang ganang tugon niya na napatingin sa coat nitong nakasabit sa braso nito. Akma na sana niyang kukunin iyon nang pigilan siya nito.

“I told you not to force yourself,” anito na niluwagan ang suot na necktie.

“Pero parte na ito ngayon ng trabaho ko,” aniya.

Nakita niya ang pagngisi nito. “Job. So is marrying me was part of your job, too?”

Hindi siya sumagot kaya hinaplos nito ang kanang pisngi niya na ikinabaling niya sa ibang side. Pero nang gumapang na iyon simula sa mga labi patungo sa leeg niya'y bahagya siyang napakislot. Marahil napansin nito iyon ng ilayo nito ang kamay sa kanya. “It's been two weeks since we got married, little vixen. Touching you like this should be nothing for us. I don't want you getting embarrassed in front of other people everytime I do it.”

“Alam ko 'yon.” Muli niya itong tinignan. “Nagulat lang ako. Hindi mo na kailangan ipaalala pa sa'kin ang tungkol sa bagay na 'yan.”

“Then, should I test it?”

Sa hindi niya inaasahan ay bigla siya nitong hinapit sa bewang pagkuwa'y walang sabi-sabing siniil ng halik sa mga labi. Halos ilang segundo ang itinagal ng pagkakadikit ng mga bibig nila bago siya nito pinakawalan.

Mataman siya nitong pinakatitigan at saka pinisil ang baba niya. “Prepare yourself tonight. We're going somewhere.”

Nasundan na lamang niya ng tingin ang lalaki hanggang sa makapasok ito sa mansion.

Kakauwi pa lamang nito ng umagang iyon kaya paniguradong magpapahinga muna ito. At sa makalipas na dalawang linggo na nakasama niya ito'y halos iyon lang ang ginagawa nito. Uuwi ng umaga para magbihis at saka muling aalis. Hindi niya alam kung anong pinagkakaabalahan nito. Wala naman itong nababanggit sa kanya simula ng ikasal silang dalawa. Dahil sa totoo niyan hindi na niya ito nakausap pa ng maayos matapos ang kasal.

Masyado na itong naging abala sa ginagawa na parang nakaligtaan na nitong may asawa na ito. Nagtataka na tuloy siya kung ano pa bang ginagawa niya roon. Kung bakit nga ba pinakasalan siya nito? At bakit siya? Panigurado naman kasing maraming nakapilang naggagandahang babae rito. Pakiramdam niya'y pinaglalaruan lang siya nito.

Nang gabing iyon, tulad ng sinabi ni Orrest ay may pinuntahan nga silang dalawa. Isa iyong Masquerade event. She's wearing a red long gown paired with 4 inches high heels and a black mask. Her hair was in a messy bun while there are a few strands on the side both of her ears. While Orrest is wearing his tailored black suit which he paired up with a black leather coat.

Mukhang halos mga kilalang tao at mga business man ang naroroon sa party. Iyon naman kasi talaga ang tunay na purpose ng mga ganung klaseng pagtitipon. Ang pag-usapan ang mga negosyo nito at maghanap ng mga bagong investors.

Ngunit dahil hindi sanay ay iwas siya sa mga ganitong pagtitipon. Hindi niya kasi alam kung saan siya lulugar lalo na kapag usaping mga negosyo na ang pinagkukwentuhan ng mga ito.

Tinuruan na siya ni Andrius sa ilang mga bagay na kailangan niyang malaman. Tulad na lamang sa kung paano siya kumilos ng maayos at magsalita sa tuwing may mga ganitong event silang pupuntahan. Lagi nitong ipinapaalala na bilang asawa ni Orrest ay kailangan niyang matutunan lahat ng iyon para hindi niya raw maipahiya ang lalaki sa harap ng mga kakilala nito.

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon