09| The Mondelli's

432 5 4
                                    

09| The Mondelli's


I-IKAW ang pumatay kay Mr. Alforte?” ang hindi makapaniwalang anas niya matapos marinig ang huling sinabi nito. Ngunit hindi na nito iyon kailangang sagutin dahil mula pa lamang sa mga mata nito'y alam niyang seryoso ito. Napaayos siya ng tayo. “Bakit mo 'yon ginawa?”

“And why not? He tried to touch you. Besides, shouldn't you be glad? He wouldn't be able to harm you ever again.”

Hindi siya nakasagot. Maaari ngang pinagtangkaan siya ni Mr. Alforte ngunit wala itong karapatan para patayin nito ang lalaki.

Oo nga't natakot siya na baka balikan siya nito. Kaya nga kahit papanu'y nakahinga siya ng maluwang nang malaman niya ang nangyare rito. Pero ang isipin na dahil pala sa kanya kaya namatay ito'y hindi niya mapigilang usigin ng sariling konsensiya. Lalo pa't nakita niya sa balita kanina kung paano humagulhol ang ina nito nang malaman ang nangyare sa anak nito.

Kung hindi siya nito pinagtangkaan, maaaring buhay pa ito ngayon.

“Sasabihin ko sa mga pulis na ikaw ang pumatay kay Mr. Alforte. Kailangan nila itong malaman!”

“You can try. But do you think they'll believe you?”

Natigilan siya nang akma na sana siyang hahakbang patungo sa pinto. “Anong ibig mong sabihin?”

“You are the very reason why he's dead, little vixen. Besides, where's your proof?”

Natameme siya. Tama ito. Wala siyang kahit anong ebidensiyang hawak kahit pa sinabi na nito iyon sa kanya. Kaya kahit ano pang sabihin niya hindi maniniwala ang mga pulis. Kung kaya nitong patayin si Mr. Alforte ng walang naghihinala rito, kaya rin nitong makatakas sa batas ng walang kahirap-hirap. Pwede nitong baliktarin ang sitwasyon at idiin iyon sa kanya. Lalo pa't dahil nga sa kanya kung bakit namatay si Mr. Alforte. Wala siyang panama sa kung ano mang koneksyon meron ang lalaking ito.

Hindi na niya nagawa pang sumagot rito nang tumunog ang cellphone nito. Binunot nito iyon mula sa bulsa ng slacks nito pagkuwa'y kunot-noo nito iyong sinagot.

“I told you not to bother me right now, Andrius,” saad nito sa taong nasa kabilang linya habang nananatili ang mga mata sa kanya.

Hindi niya tuloy magawang gumalaw sa kinatatayuan. Animo kasi pinipigilan siya nitong umalis kahit na gustong gusto na niyang lumabas sa kwartong iyon.

“What do you mean he's here in the country?” ang narinig niyang muling saad nito.

At dahil narito ang atensyon niya'y nakita niya kung paano magbago ang ekspresiyon nito nang marahil may sabihin ang kausap nito. Bigla kasing dumilim ang mukha nito. Maging ang tono ng pananalita nito'y nagbago na sa hindi niya malamang dahilan ay nagbigay ng kakaibang kilabot sa kanya.

Paanong mula sa mapaglaro nitong ekspresiyon ay biglang magbabago ang aura nito. Tuloy ay hindi niya sigurado kung ito pa ba ang lalaking kausap niya kanina lang.

Marahil tapos na ang pag-uusap nito nang makita niyang ibinaba na nito ang aparato.

“Unfortunately, little vixen, but we'll have to end our conversation here.”

Hindi na siya nagulat pa nang maramdaman niyang muli ang malalambot nitong mga labi sa kanya. Napasinghap pa siya ng kagatin pa nito ang ibabang labi niya bago ito lumayo sa kanya.

“We'll see each other again soon.”

Sinundan na lamang niya ito ng tingin nang tuluyan na itong lumabas sa kwartong iyon. Hindi pa rin niya maapuhap ang sarili na gumalaw sa kinatatayuan. Para kasi siyang binagsakan ng tone-toneladang grava ng problema dahil sa mga nalaman.

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon