20| Her Choice
TATLONG linggo na ang nakararaan matapos ang nangyare sa condominium unit na iyon ni Theron. Tatlong linggo na rin simula ng makipag-ugnayan sila sa mga pulis para paimbestigahan ang insidente. Pero lahat ng iyon napupunta sa dead end. Kahit na isa si Drake sa witness at may mga impormasyon na itong ibinahagi sa kanila, hindi pa rin nila matukoy kung sino ba ang nasa likod ng pagsabog.
May hinala ang mga pulis na kaya daw sila nahihirapan na malaman kung sino ang nasa likod niyon ay dahil merong humaharang sa imbestigasyon nila. Because the more they dig further..the more it's hard for them to solve it.
Lalo pa't hindi lang pala ang condo niya ang pinasabog ng gabing iyon– kung hindi maging ang bahay rin nina Chandra. Hindi na nila kailangan pang manghula kung sino ang may gawa ng pagsabog dahil nasisiguro siya na may kinalaman iyon sa mga taong humahabol kay Ceth.
But the question is, who exactly? And why Ceth? Ano ba talagang meron kay Ceth na kailangan pa nilang pasabugin ang dalawang bahay na tinutuluyan nito? It's like as if they were making sure about something.
Napapasabunot sa buhok na napamura si Theron. Marami ng gumugulo sa isip niya na hindi niya alam kung paano masasagot dahil hindi pa rin nila makausap ng maayos si Chandra.
Nakakulong lang ito sa kwarto na pinagdalhan niya. Ni hindi ito halos kumain kahit pa pilitin niya ito. Kahit nga kausapin ay hindi ito sumasagot. Nakatulala lamang ito sa kawalan na para bang wala na itong naririnig at nakikita.
Though he can't blame her. It's still hard for her to accept the fact that Ceth was gone.
Hindi man umiiyak ang babae pero alam niya kung gaano pa rin ito nagluluksa sa nangyare sa kapatid nito. At naiintindihan niya iyon. Dahil alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng taong pinakamahalaga sa buhay mo.
Because he once lost someone important to him. Two, in fact.
That's why he's doing everything he can just to give Ceth the justice he truly deserves. Dahil iyon na lamang ang magagawa niya para kay Chandra. After all, he still have a promise to keep.
“Hey, Theron!”
Napahinto sa paghakbang si Theron na kasalukuyan na sanang papasok sa bahay niya nang salubungin siya ni Drake. Kauuwi pa lamang kasi niya nang hapong iyon kasama si Maurize na isa rin sa mga tumutulong sa kanya para makipag-ugnayan sa mga pulis. With his and Maurize's connections mas mapapadali ang pag-usad ng kaso.
“What is it, Drake?” Bahagya siyang nakaramdam ng kaba lalo pa nang mapansin niyang habol nito ang sariling paghinga. “Did something happen to Chandra?” ang nag-aalala niyang tanong rito nang maalala ang babae.
Ito kasi muna ang pinababantay niya kay Chandra habang nagpapagaling rin ito sa nabali nitong braso. Nakuha nito iyon matapos daw nitong subukan na iligtas si Ceth. Pero sa halip ay siya pa daw ang iniligtas ng lalaki matapos siya nitong itulak palabas ng condo para daw hindi ito madamay sa pagsabog.
Kaya pala nadatnan na lamang nila itong wala ng malay sa labas ng condo niya nang tumakbo sila pabalik roon. Bukod sa mga debri'y maraming mga gamit niya na nagmula sa loob ng condo ang wasak na nakakalat rin sa labas. Sa lakas ng pagsabog ay hindi na siya nagugulat na walang katawan na nakuha ang mga pulis. Pero kinompirma ng mga ito na kung sino man ang naiwan sa loob ay siguradong hindi na makakaligtas pa. Walang ibang daan kundi ang front door lang. Wala rin silang balcony kaya walang possible route na pwede pang daanan si Ceth para makaligtas.
That's why they confirmed that Ceth was really dead. And those words were enough to broke Chandra's heart into pieces. Hindi lang ang babae, actually. Dahil maging sila nahirapan tanggapin ang katotohanang iyon.

BINABASA MO ANG
Trapped To You🔞
RomantizmW A R N I N G: Contains mature content and strong violence. Read at your own risks. | SPG| R18+| [ UNDER REVISION] Isa lang naman ang hinahangad ni Chandra Rovero sa buhay niya..at iyon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kapatid niya. Ngunit h...