04| The Prince

873 6 0
                                    

04| The Prince


MAG-UUMAGA na nakauwi si Chandra sa bahay nila nang mga oras na iyon. Nakakasanayan na kasi niyang pumunta muna sa Bar pagkatapos ng trabaho niya sa Club dahil gusto niyang matulog na lang pagdumarating siya ng bahay nila. Kung hindi niya kasi iyon gagawin ay alam niyang buong magdamag siyang mulat sa kakaisip ng paraan para magkaayos na sila ng kapatid.

Makailang ulit na niyang sinubukan na kausapin ito. Pero kahit anong pakiusap niya'y hindi siya nito pinakikinggan. Pakiramdam niya'y para pa nga siyang multo na hindi nito nakikita.

Sa totoo niya'y mas okay pa nga ang multo dahil nararamdaman pa sila. Kaysa naman sa kanya na mukhang hindi na nga nito makita'y parang nakalimutan na talaga nitong may kapatid ito.

Kailan ma'y hindi siya magagalit sa kapatid. Naiintindihan niya ito gayong sinabi nito sa kanya nun na kung ibebenta lang din niya ang dignidad o dangal nila'y mas mabuti pang magutom na lamang sila. Ngunit heto nga siya't binalewala niya ang sinabi nito.

"BLUURGH!"

Ilang beses na niyang pagsuka iyon. Mukhang hindi na niya kayang pumasok pa. Naparami kasi ang inom niya ngayon kaysa dati. Dagdagan pang mukhang mas matapang ang pinili niyang alak ngayong gabi. Tuwing gabi kasi'y sumusubok siya ng iba't ibang alak para maipagmayabang niya rin sa mga dating kaibigan kapag nagkita-kita ulit sila. Pero nakalimutan niyang wala na rin pala siyang komunikasyon sa mga ito.

Natawa siya ng pagak pagkuwan ay pinunasan niya ang kanyang bibig. Sinubukan niyang tumayo ngunit nakakaramdam pa rin siya ng hilo. Dito na lamang siguro siya matutulog. Kahit pilitin niya'y hindi na rin naman niya kayang maglakad.

Nang hindi na kinayanan pa ng talukap ng mga mata niya'y tuluyan na siyang nakatulog habang nakasandig sa hamba ng pinto.

Hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya pero pakiramdam niya'y dinuduyan siya ng mga oras na iyon. Napangiti pa siya nang maramdaman niya ang init na bumalot sa katawan niya. Pilit niyang isiniksik ang sarili sa kakaibang init na iyon na agad naman niyang nahanap.

"Mm..."

Hindi na namalayan pa ni Chandra ang oras nang magising siya nang umagang iyon. Basta ang naramdaman na lang niya'y ang ulo niyang parang paulit-ulit na sinusuntok dahil sa sakit. Kumikirot iyon kaya wala siyang nagawa kung hindi ang mahiga ulit. Pero nang maalala niyang kailangan pa pala niyang ipaghanda ng agahan ang kapatid ay pinilit niyang bumangon.

"Ceth?" Tawag niya rito habang pababa siya ng kahoy nilang hagdanan.

Bawat hakbang niya'y lumilikha iyon ng ingay kaya panigurado siyang alam na nitong gising na siya. Nang marinig niya ang kaluskos na nanggagaling sa kusina'y muli niyang tinawag ang pangalan nito. Pero tulad ng inaasahan ay hindi ito sumagot.

Nadatnan niya ang kapatid na nasa kusina na pala. Nagulat pa siya nang makita ito na abala sa paghahain ng mga pagkain nila sa mesa. Ngayon na lamang ulit ito naghanda ng pagkain nila. Siya na kasi ang nag-obligang gumawa niyon dahil ayaw niyang mabawasan pa ang oras nito sa pagtulog gayong lagi itong busy sa pag-aaral nito. Kung gigising pa kasi ito ng maaga'y baka sa eskwelahan naman ito antukin.

"Ikaw ba nagluto ng lahat ng ito, Ceth?" tanong niya na saglit nakalimutan ang sakit ng ulo. Hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping siya naman ang pinaghandaan nito ng pagkain ngayon. "Pero dapat hindi ka na nag-abala pa. Ginising mo na lang sana ako."

"Sa tingin mo ba'y hihintayin ko pang magising ang taong lasing na lasing ng umuwi kagabe? At pwede ba hindi na ako bata para lagi mong alalahanin. Kaya ko namang magluto ng pagkain ko," halata sa boses ang inis nito na kaagad ikinawala ng ngiti niya.

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon