WARNING: Contains mature contents ahead. |R18+|
23| You're Mine
HINDI sigurado si Chandra kung tama bang pumayag siyang sumama kay Theron dito sa likod ng mansiyon para makausap ito. Madilim naman sa bahagi ng kinatatayuan nila kaya alam naman niyang walang tao ang makakakita sa kanila.
Ang ikinatatakot niya lang ay baka mapansin na ni Orrest na wala na siya sa table na pinag-iwanan nito sa kanya. Paniguradong ipapahanap siya nito kay Andrius. Pagnagkataon ay makikita nitong kasama niya si Theron.
Sa pagkakatanda pa naman niya'y hindi maganda ang relasyon ng dalawa. Hindi niya alam kung si Theron lang ba ang galit rito o baka pati rin si Orrest.
“I want to hear the side of your story,” panimula ng lalaki sa mahinahong tinig matapos nilang makarating sa nasabing lugar. “But we don't have enough time for you to explain everything to me. So just give me one reason why..why do you have to marry him?”
Napakagat siya ng labi niya. “Hindi ko alam kung paano kita bibigyan ng sagot na tatanggapin mo, Theron.”
“I just need one acceptable reason, little bird.”
Marahas siyang napabuga ng hangin. Alam niyang hindi siya nito titigilan kapag hindi niya nasagot ang tanog nito. “He's the only one who could tell me who was behind Ceth's death.”
“Why am I not surprised?” Hinaplos nito ang buhok na parang inaasahan na nito ang sagot niyang iyon. “I don't know why but I wasn't that hurt when I found out that you were gone in the morning. I was mad, yes... but I was more angry of myself. Because I couldn't stop you.”
“Anong ibig mong sabihin?” ang naguguluhang tanong niya rito.
Tumagilid ito ng tayo sa kanya at saka nakapamulsahan na tumingin sa kawalan. “I already knew that you were acting strange when you went home that night. I wanted to ask you but hearing your answer scares me. So I just kind of ignored it.”
“Pero bakit?”
Dahan-dahan ay lumingon ito sa kanya. Ang mga kamay ay nananatiling nasa bulsa. “Because I chose to trust and believe you, little bird. I chose to believe that you will stay with me. I chose to believe that when I opened my eyes I would still see you sitting next to my bed waiting for me to wake up.” Umiling ito pagkuwa'y sarkastikong ngumiti. “But no, you still left. Because I wasn't enough.”
“H-hindi 'yan totoo, Theron!” agap niyang tanggi rito.
“Isn't it, really? Because you wouldn't have marry that bastard if you had just put your faith in me that I will find the asshole who did this to your brother.”
Natahimik siya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya rito na pwedeng magpaluwag ng kalooban nito.
“Am I still wrong?” tanong nito nang hindi na siya magsalita. “Tell me, little bird.”
“I..I'm really sorry, Theron. I really do,” ang tanging nasabi niya lang matapos itong tignan.
“I didn't waste my time coming all the way here just to hear you say sorry all the time, little bird.”
Napakuyom siya ng mga kamay niyang nakakapit sa magkabilang gilid ng dress niya. “Then anong gusto mong gawin ko? Lumuhod dito ngayon sa harapan mo? Dahil gagawin ko 'yun kung gusto mo.”
“I would really love to see you kneel in front of me right now,” anas pa nito na hinaplos ang ibabang labi niya gamit ng hintuturo nito. “But with my c*ck in your mouth.”
Agad niyang tinapik ang kamay nito pagkuwa'y matalim itong tinignan.
Ngayon niya pinagsisisihan na pumayag pa siyang makipag-usap rito. Dahil sa tingin niya'y hindi naman niya ito mapapaliwanagan kahit ano pang gawin niya.
BINABASA MO ANG
Trapped To You🔞
RomanceW A R N I N G: Contains mature content and strong violence. Read at your own risks. | SPG| R18+| [ UNDER REVISION] Isa lang naman ang hinahangad ni Chandra Rovero sa buhay niya..at iyon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kapatid niya. Ngunit h...