24| The Capsule
“IF IT isn't the Young Master,” ang bungad ng isang lalake na siyang sumalubong kina Orrest at Chandra pagkababa pa lamang nila sa speedboat. Nakasuot ito ng lab coat na nasisiguro niyang required doon bago pumasok. “I didn't expect you to come here today. Too bad your father just left.”
“I know, Gil. I'm not here to see him,” tugon naman ni Orrest habang nakatayo siya sa tabi nito.
“Oh, is that so? Then may I ask why you're here?”
Hinapit siya ni Orrest sa bewang bago ito sinagot. “I just wanted to show my wife around here.”
“Your wife?” Saka naman ito napabaling sa kanya nang sabihin iyon ng lalaki. “I didn't know you got married. Since when? Does your father know?”
“You asked too many questions.” Nagsimula ng maglakad si Orrest habang akay siya. Sumunod sa kanila ang lalaki na muli siyang sinulyapan bago ulit ibinalik ang pansin kay Orrest.
“Well, I was just curious. Ilang linggo lang kasi tayong di nagkita may asawa ka na. Baka sa susunod niyan malaman ko may anak ka na rin,” tudyo nito.
Napatingin si Chandra sa lalaki pagkuwan ay kay Orrest. Anak? Hindi niya naisip ang posibilidad na iyon. Saka wala iyon sa plano niya. At kahit bigyan nga ng pagkakataon, hindi niya kailan man gugustuhin na magka-anak mula kay Orrest. Ayaw niyang lumaki ang anak niya sa magulong mundo katulad nito.
“It's too early for me to think about those things,” ang tugon ni Orrest. Pumasok na silang tatlo sa elevator kasama si Andrius na nakasunod lang rin sa likod nila.
“I was just saying,” anito na sumandig sa pader at saka humalukipkip. “But anyway, even if she's your wife alam mong bawal pa rin siya dito. Ako ang papagalitan ng Papa mo kapag nalaman niyang hinayaan ko lang na magpapasok ka rito ng—”
“If things go wrong I'll take responsibility,” ang putol ni Orrest rito.
Sa halip na kontrahin pa ito ng lalaki'y pinili na lamang nitong kumibit ng balikat. Nang tuluyan na silang makalabas sa elevator ay marami pang sumalubong kay Orrest na parareho ring nakasuot ng lab coat. They're wearing protective eyeglasses and gloves.
Matapos batiin ay nagsibalikan na rin ang iba sa kanya-kanya nilang ginagawa. Maliban sa dalawang lalaki na kung titignan ay medyo may katandaan na rin. Nagpaiwan ang mga ito na mukhang may seryosong pinag-uusapan. They speak Russians just like Orrest.
At dahil wala naman siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito'y minabuti na lamang niyang pagmasdan ang paligid habang naglalakad sila.
Parang isang laboratory ang lugar kung nasaan sila. No, actually it was more like a farm. A big farm. Maraming mga halaman ang nakatanim sa isang side ng lab. Hindi siya pamilyar sa mga iyon pero maingat itong ini-spray-an ng mga naka full-protective clothing. Samantalang sa kabilang dako'y naroon ang iba pa na abala din sa pagkulikot sa mga nakikita niyang mga vials.
She wasn't sure kung anong ginagawa ng mga ito. Ngunit kung ano pa man iyon ay wala sa interes niya na tanungin pa si Orrest.
Ang gusto na lang niya'y makaalis sa lugar na iyon. Sa tingin niya kasi'y lihim na laboratoryo ang pinuntahan nila. Nasa gitna kasi ito ng dagat kaya kinailangan pa nilang gumamit ng speedboat para marating ito. Napapalibutan ang estraktura ng malalaking bato na kinakayang salubungin ang malalakas na hampas ng alon. Mabuti na lamang pala at nakasuot lang siya ng hapit na pantalon at croptop na pinaresan niya ng white sneakers. Hindi siya nahirapan maglakad.
Pero bakit nga kaya dinala siya nito doon? Hindi naman niya kailangan malaman kung ano pa ang ibang pinagkakaabalahan nito.
Dahil busy rin siya sa pagmamasid sa paligid ay hindi na namalayan ni Chandra na napahiwalay na pala siya sa mga kasamahan niya. Napansin na lang kasi niyang siya na lamang ang naglalakad sa mahabang hallway.
BINABASA MO ANG
Trapped To You🔞
RomanceW A R N I N G: Contains mature content and strong violence. Read at your own risks. | SPG| R18+| [ UNDER REVISION] Isa lang naman ang hinahangad ni Chandra Rovero sa buhay niya..at iyon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kapatid niya. Ngunit h...