18| Dare Game
TAWANAN ang pumuno sa loob ng condo ni Theron nang gabing iyon habang nakaupo silang lahat pabilog sa sahig ng living room nito. Naroon na si Tito Mason maging si Laura na dumating rin ilang minuto matapos sumulpot nina Drake.
Bahagya niya iyong ipinagpasalamat dahil kung hindi'y baka doble-dobleng kahihiyan ang inabot niya kung madatnan rin sila nito sa ganoong akto kanina. Baka siguro wala na siyang mukhang maihaharap sa mga ito pagnagkataon. Mabuti na nga lamang at hindi na iyon binanggit pa ng tatlong lalaki kung hindi'y baka nasa kwarto pa rin siya hanggang ngayon.
“Sino na susunod?” maluwang ang ngiti na tanong ni Laura sa kanila habang hawak nito ang walang laman ng bote.
Kasalukuyan kasi silang lahat naglalaro maliban kay Tito Mason na piniling maupo na lamang sa sofa at panoorin sila.
May nakalagay na bote sa gitna at kung sino ang matatapatan niyon ay may ipapagawa dito ang nagpaikot ng bote. Pero nilagyan iyon ng twist ni Drake dahil sa halip na pagkatapos ng pag-ikot ang Dare ay mauuna iyon.
Kumbaga sasabihin muna ng may hawak na bote ang ipapagawa nila at kung sino niyon ang matatapatan ay siyang susundin iyon. Paghindi iyon nagawa'y tutungga sila sa pinaghalo-halong alak na sila mismo ang gumawa.
Walang ibang choice kung hindi Dare lang kaya walang sino man ang pwedeng unatras o umayaw. Pakulo iyon ni Drake na hindi na siya nagulat kung bakit ganun ang naisip nitong laro. Ang gusto yata talaga nito'y pahirapan.
“Isn't it Maurize's turn?” Turo ni Drake sa lalaki na katabi ni Laura.
Nagtaas ito ng kanang kilay bago binalingan ang kapatid na katabi naman niya. “It's Therons’.”
“Oh yeah. Because I just did the last Dare,” saad nito na akma na sanang kukunin ang bote kay Laura. Pero nang marinig nitong humagikhik si Drake ay binigyan nito ng masamang tingin ang lalaki. “If I hear another laugh or even just a little noise coming from you— I swear I'll kill you.”
“Hey, that's not fair! Why just me?” ang kunwari'y natatakot na saad ng lalaki na tinignan sila.
“Because you're the one who put something on my face which making everyone laugh!” ang naiinis na dagdag pa nito na hindi naman nila napigilang ikatawa. “See? And that's making me mad at you more!”
“Gah! Ceth save me!” ang sigaw pa nito na nagtago sa likod ng kapatid niya.
Tumatawang napailing si Ceth at saka ito sinabuyan ng kinakain nitong popcorn na sinasalo naman ng bunganga nito. Mukha yatang nagkakasundo pa ang dalawang ito.
Hindi na rin niya napigilang mapailing. Ang kinagagalit kasi ni Theron ay ang mga drawing ni Drake sa mukha nito na bawal naman nitong tignan sa salamin. Isa iyong drawing ng mga “poop” na emoji na may mga korte pa ng smiling face o kaya'y nakadila. Dinagdagan pa iyon ni Drake ng bigote at mustache kaya sa tuwing napapatingin sila sa mukha nito'y agad iyong nasusundan ng tawa. Maging si Tito'y hindi mapigilang mapahagalpak ng tawa kapag napapalingon rito si Theron.
Panaka-naka lang ang pagngiti ni Kuya Mau pero napapansin naman niya na nag-eenjoy ito sa paglalaro nila. Marunong naman pala itong magsaya, e. Akala niya'y puro lang pagsimangot at pagkunot-noo ang nagagawa nito. Pero mukhang nagkamali siya lalo pa't si Laura yata ang dahilan ng minsang paglambot ng ekspresyon nito.
Pinagpatuloy na nila ang paglalaro ng bote na ngayo'y napatutok kay Kuya Maurize. Natigilan silang lahat bago nila sabay-sabay nilingon ang lalaki. At tulad ng inaasahan matatalim na tingin ang ipinukol nito sa kapatid.
Ang Dare kasi ni Theron ay sumayaw ang sinumang matatapatan ng bote ng sexy dance sa gitna nilang lahat habang kinukunan ito ng video. Pero sa mukhang meron ito parang malabo na gawin nito iyon.
BINABASA MO ANG
Trapped To You🔞
RomanceW A R N I N G: Contains mature content and strong violence. Read at your own risks. | SPG| R18+| [ UNDER REVISION] Isa lang naman ang hinahangad ni Chandra Rovero sa buhay niya..at iyon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kapatid niya. Ngunit h...