19| The Loss

280 3 2
                                    

WARNING: Contains slightly mature contents ahead.|R18+|

19| The Loss

ATE, pwede ba akong pumunta muna sa kaklase ko ngayon?”

Mula sa pagtutupi ng mga damit ay napalingon si Chandra sa kapatid na kapapasok lamang sa kwarto niya. Pinadala na kasi ang iba nilang gamit doon kaya abala siya sa pag-aaayos niyon sa kabinet nila.

“Pero hindi ka pa pwedeng lumabas,” tugon niya na itinigil muna ang ginagawa.

“Kukunin ko lang naman ang ipapahiram na mga notebook sa'kin ng kaklase ko. Para sana makahabol ako sa mga lesson namin na absent ako. Saka umaga naman ngayon. Sigurado namang walang masamang mangyayare sa akin,” pagrarason nito na sandali niyang ikinatahimik. Siguro'y nahalata nito na hindi pa rin siya kumbinsido kaya muli itong nagsalita, “uuwi ako agad pagkakuha ko ng mga notebook. Pangako hindi ako dun magtatagal.”

Sa pamimilit nito'y napabuga na lamang siya ng hangin at saka tumango. “O sige, basta umuwi agad, ha.”

Nakangiti itong tumango na inayos pa ang suot na salamin. “Sige, ate. Salamat.”

Tinanaw niya itong makaalis hanggang sa makasakay ito ng elevator. Nang akma na siyang papasok ay napatingin siya sa sahig nang may masagi ang paa niya. Agad nagsalubong ang kilay niya nang makitang isa iyong box na nababalot sa packing tape. Parang box iyon ng cellphone pero medyo malaki-laki.

Kinuha niya iyon at saka sinuri. Walang nakalagay na pangalan pero may room number iyon.

Kanino kaya ito? Wala naman nababanggit si Theron na may darating na package dito sa condo niya. At sigurado din naman siyang hindi iyon kay Ceth dahil wala naman itong inoorder.

Tanungin na lamang niya si Theron kapag dumating ito mamaya. Dadaan daw kasi ito sa kanila pagkatapos ng mga tinatrabaho nito sa opisina.

At dahil wala namang gaanong ginagawa'y itinuloy na niya ang paglilinis sa buong condo. Niligpit na rin kasi niya ang mga boteng ginamit nila kagabe pati ang ibang mga basura na inipon niya. Inabot siya niyon ng buong maghapon dahilan para magreklamo na ang tiyan niya.

Noon niya lang nalaman na alas-dos na pala ng hapon nang tumingin siya sa orasan na nakakabit sa dingding. Kaya pala kumukulo na ang tiyan niya dahil sa gutom.

'Yong sinangag na lang na tira at itlog na niluto ni Ceth kaninang umaga ang kinain niya. Mamaya na lamang siya magluluto pagdating ni Theron. Pagkatapos niyang kumain ay naligo na rin siya dahil sa nanlalagkit na sa pawis ang katawan niya. Ilang minuto ang binabad niya sa mabangong bubble bath bago siya natapos. Sakto ding paglabas niya niyon sa banyo ay narinig na niya ang pagbukas ng pinto sa condo.

“Little bird?” rinig niyang tawag ni Theron sa kanya mula sa sala.

Nakabihis na rin naman siya kaya diretso na siyang lumabas sa kwarto.

“Akala ko'y gabi ka pa pupunta?” bungad niya rito na napangiti nang makita siya.

“Did you just took a shower?” puna nito sa basa niyang buhok.

Tumango siya. “Naglinis kasi ako kaya ngayon lang ako nakaligo. Eh, ikaw? Bakit kako nandito ka na?”

Lumapit ang lalaki sa kanya na agad siyang niyapos ng yakap. “Tinapos ko na agad ang mga pinipirmahan ko para maaga akong makapunta rito. Saka masakit kasi ang ulo ko dahil sa hangover kaya inagahan ko na ang pag-uwi.”

Nag-aalalang sinulyapan niya ito. “Oo nga pala, kumusta ka kagabe? Pinagtulungan ka ng buhatin ni Drake at Kuya Mau dahil lasing na lasing ka.”

“Yeah. I was so drunk last night na hindi ko namalayang nakauwi na kami. Nagising na lang ako kinaumagahan na nasa bahay na.”

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon