08| Debt

464 7 7
                                    

08| Debt

NATAGPUANG patay ang isa sa mga kilala sa business industry at young bachelor na si Craige Alforte sa sarili nitong sasakyan na tadtad ng tama ng bala. Batay sa bodyguard nito'y kahapon pa ito nawawala. Maaari daw na tinambangan ito habang papauwi ito ng bahay kasama ang driver at dalawa pang bodyguard nito. Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang may kagagawan ng pagpatay at kung ano ang dahilan ng mga ito.”

Nabitiwan ni Chandra ang basong hawak matapos niyang marinig ang balitang iyon sa telebisyon. Tutop ang bibig na nanghihina siyang napaupo sa kahoy nilang sofa.

Hindi niya inaasahan na iyon agad ang bubungad na balita sa kanya nang umagang iyon.

Sa una'y hindi pa siya naniniwala sa nakikita niya. Ngunit nang makilala na niya ang mukha nito na siyang nakapaskil sa gilid ng news anchor ay doon lamang siya nakasisiguro na ito nga ang lalaking nagtangka sa kanya nung nakaraang gabi.

Hindi niya maintindihan ang nangyayare. Ngunit inaamin niya na parang nabawasan ang inaalala niya dahil sa balitang iyon.

Masaklap man ang kinahinatnan nito pero hindi na niya kasalanan na namatay ito. Kung sino man ang may gawa niyon ay paniguradong iyon ang paraan ng nasa taas para tulungan siya.

Napahaplos siya sa mukha at saka tumayo. Kumuha siya ng walis at dustpan pagkatapos ay nilinis niya ang nabasag na baso.

“Anong nangyare diyan?”

Napatingin siya sa kapatid na kabababa lamang galing sa kwarto nito. Nakabihis na ito ng uniporme. Ngayong maayos na siya'y hindi na nito kailangan ang lumiban sa klase.

“Uh, wala ito. Dumulas lang sa kamay ko ang baso.” Itinabi na niya ang dustpan at walis matapos masigurong wala ng bubog ang natira. “Papasok ka na ba?”

Tumango ito. “Sige, aalis na 'ko.”

“Sandali, Ceth!” pigil niya rito nang akma na itong lalabas ng bahay nila. Tumigil ito pero hindi lumingon. Huminga siya ng malalim. “Tungkol sa trabaho ko. Alam kong galit ka pa rin sa'kin pero bigyan mo lang sana ako ng sapat na panahon. Hindi ko naman balak na tumagal sa Club dahil pinapangako ko na aalis ako sa lugar na iyon. Hintayin mo lang akong makaipon.”

Akala niya'y muli siya nitong iignorahin pero dahan-dahan itong lumingon sa kanya at seryoso siyang tinignan. “Hanggang kailan?”

“Hindi ko alam, Ceth. Pero naghahanap ako ng paraan para madali akong makaalis sa lugar na 'yon.”

“At ano namang paraan iyon?”

Sandali siyang nanahimik bago niya sinabi ang nasa isip rito. “May naiisip akong tao na maaaring makatulong sa'kin. Pero kailangan ko munang siguruhin na mapagkakatiwalaan siya.”

Hindi na ito nagsalita pa. Bagkus ay binigyan na lamang siya nito ng isang tango bago muling tumalikod. Tinanaw na lamang niya ito nang tuluyan na itong lumabas ng bahay nila.

Wala man itong sinabi pero alam niya na sang-ayon ito sa plano niya. Ngayon ang kailangan na lang niyang gawin ay kausapin si Theron.

***

“Young master, I have the information you asked me to look for.”

Trapped To You🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon