loveisnotrude

105 5 5
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Heartroma na si loveisnotrude! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Heartroma na si loveisnotrude! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

Would you join future contests?

Oo naman! Actually, limang taon na akong sumasali sa mga writing contest na nagkalat online lalo na rito sa Wattpad. Pero nitong nakaraang taon lang ako napasali sa mga patimpalak ng WattpadRomancePH kasi noon ko lang din nalaman na nag-e-exist pala ito. Para kasi sa akin, may kakaibang saya at excitement ang hatid nang pagsali ko sa mga WriCon. In some way, nagiging challenge kasi ito sa akin kung saan talaga namang nakatutulong ito sa pag-e-explore ko bilang isang manunulat. At hindi ko pala puwedeng hindi ma-mention na ang astig lang kasi ng mga naiisip na concept ng RomancePH Team para sa mga patimpalak na maya't mayang nilo-launch nila. Kaya hangga't kaya kong makipagsabayan, sasali at sasali pa rin ako.

How do you feel in winning Heartroma?

Seriously, gulat na gulat na gulat talaga ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Seriously, gulat na gulat na gulat talaga ako. Ang unexpected naman kasi! Imagine, out of 50+ stories, isa sa tatlong nagwagi ang istorya ko. Kaya when my friend told me that my story have won, hindi talaga ako makapaniwala at first (actually, until now) to the point na ch-in-eck ko pa ito by myself—just to make sure that she wasn't pranking me or something. At nang ma-confirm ko na nga ito, I literally blinked multiple times while looking at the title of my story under "Here's your order, one caramel macchiato and the winners of Heartroma contest!".


Naisip ko lang ngayon na siguro para sa iba, wala lang 'to. Na hindi naman big deal ang pagkapanalo ko rito. Pero para kasi sa akin, this is really, really big deal. Like for real. Like what I've mentioned in the first question, limang taon na akong sumasali sa mga writing contest at sa limang taon na iyon, bilang lang sa mga daliri ko sa kamay na nananalo ang mga ipinapasa kong istorya. And the fact na sa mahigit isang taon ko nang pagsali sa mga patimpalak ng WattpadRomancePH, ito pa lang ang kauna-unahang beses na talaga namang nagwagi ako at ang istorya ko. So, bukod sa pagkagulat, sobrang saya ko lang for this kind of validation—na hindi ko man direktang hinihingi o kailangan ay ibinigay pa rin sa akin nang walang pag-aalinlangan.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now