cleffhanger

96 4 1
                                    

Hello mga ka-RomancePH! Ating kilalanin si cleffhanger na isa sa mga nanalo para sa Summer of Hope Contest para sa kaniyang akda na Threads of Hope. 

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang nagtulak sayo para sumali sa Summer of Hope Contest?

 - Una sa lahat, nagpapasalamat po ako sa bumubuo ng RomancePH dahil sa masayang summer writing experience na ito ngayong taon. Siguro ang nagtulak sa aking sumali sa Summer of Hope Contest ay para mahasa ang aking kakayahan sa pagsusulat lalo't magaganda ang prompts na ibinigay po ninyo. Dagdag pa riyan, na-excite rin akong sumaling muli dahil nagbigay inspirasyon sa akin ang nanalo ko ring entry noong nakaraang taon as isa sa patimpalak ninyo. Napatunayan kong may improvement sa istilo ko nang pagsusulat.

2. Ano ang maipapayo mo sa mga nais sumali sa mga fainting WriCon pero pinanghihinangaan sila ng loob?

     - Sa mga manunulat na gustong sumali sa mga writing contest, huwag po kayong panghinaan kaagad ng loob. Subukan niyo muna dahil wala namang mawawala sa inyo bagkus mahahasa pa ang paraan mo sa paggawa ng kwento. Saka hindi lang din naman sa titulong "winner" nakabasi ang pagkapanalo natin. Ang pagpapamalas ng sarili mong gawa at istilo mo sa pagsusulat ay isa na ring premyo na matatanggap mo. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig sumali sa mga writing contest dahil hindi ako pinagpala sa resources kagaya na lang ng maayos na cellphone noon kaya malimit lang din akong makagamit ng Wattpad. Dumating ang 2019 na nalaman kong may ganito palang mga patimpalak at kahit hindi ako maalam sa mga wricon, sumali pa rin ako. Isa rin kasi ang mga writing contests sa makatutulong sa ating mahanap kung saan tayo nababagay. Just try and claim that you can do it!

3. Sa tatlong prompt ng Summer of Hope Contest, alin sa mga iyon ang pinakapaborito mo at bakit?

     - Paborito ko ang kwento ni Sir Chase at Nadia dahil kadalasan sa mga gusto kong kwento ay may characters na hindi masyadong expressive sa nararamdaman. Sa madaling salita, may attachment ako sa karakter ni Sir Chase dahil may pagkaganoon ako sa pamilya't kaibigan ko. Isa pa, nagustuhan ko ang nabuo kong daloy ng eksena.

4. May nais ka bang ipabatid sa mga sumuporta ng iyong pinasang entry?

     - Sa sumuporta sa entry ko, ang masasabi ko lang, "Salamat, self!"

5. Ano ang iyong maituturing na pinaka malaking achievement bilang manunulat?

     - Iyon sigurong malamang tumutusok rin sa mga mambabasa ang masasakit na pangyayaring ibinabahagi ng mga characters ko. Masarap makatanggap ng salitang, "Ito na naman. Umiiyak na naman ako." Hindi naman sa sadista po ako, nakakataba rin kasi talaga ng puso iyong naaapuhap ng mga salita mo ang damdamin ng isang tao.

6. Mayroon ka bang ritual or habit na ginagawa bago o habang nagsusulat?

     - Hapon o di kaya'y gabi po ako nagsusulat para wala masyadong istorbo dahil maraming utos kapag umaga. Bago nagsusulat, ikokondisyon ko muna ang sarili ko sa eksenang isusulat ko, sa magiging daloy ng kabanata, at ang mga pupwedeng linyahan ng characters. Kaya minsan, lutang ako habang kumakain ng hapunan. Habang nagsusulat naman, dapat nakaupo lang ako habang nagta-type. Mas gusto ko po kasing sumakit ang likod ko kaysa tamarin at makatulog which is hindi ko naiiwasan minsan. Hindi rin ako ang tipong gumagamit ng laptop tuwing may isinusulat dahil hindi ako komportable. Hindi rin po nawawala sa tabi ko si Merriam Webster. Wala pong kape dahil hindi ako mahilig do'n. Kung pagod na sa pag-iisip kahit ilang words pa lang, humihinto na kaagad ako para makapagpahinga.

7. Ano ang mga bagay na ipinapangako mong hindi na uulitin?

     - Hindi ko na talaga uuliting sumali sa mga book clubs. Una at huling beses ko iyong naranasan noong isang taon para may bumasa naman sa mga gawa ko. Nag-try lang naman ako para malaman kung effective ba pero masasabi kong hindi effective sa akin bilang manunulat. Oo't may nagbabasa nga, pero hindi naman free will nilang basahin iyon. Sinasaktan ko lang ang sarili ko kaya itinigil ko kahit kakasimula ko pa lang. I can do better in creative writing without minding the reads. Sa zero rin naman talaga nagsisimula ang isang milyon.

8. Dapat bang maniwala sa pag-ibig para maging isang epektibo na Romance writer?

     - Opo, kasi kapag hindi ka naniniwala sa pag-ibig, mahihirapan talagang makabuo ng isang dyamanteng romance novel at maging isang epektibong manunulat ng romansa. Hindi sasarap ang isang pagkain kung kulang sa sangkap. Ang pangunahing sangkap sa pagiging isang romance writer ay ang paniniwala sa konsepto ng pag-ibig. Isa pa, kahit sabihin mong NBSB is, kagaya ko, aminin mong naniniwala ka rin sa pag-ibig.

9. Ano pa ang pangarap mong maabot bilang isang writer?

     - Pangarap kong mailimbag ang sarili kong libro. Hinahangad kong maabot iyon sa pagdating ng tamang panahon. Iba rin kasi talaga kapag sa computer o cellphone lang nababasa ang akda mo. Mas may kiliti sa puso kung mismong nasa kamay mo na at malalanghap ang amoy ng librong pinagpaguran mo.

10. Ibahagi sa amin ang iyong pinaka paboritong sariling akda at kung bakit namin ito dapat basahin.

     - Ibabahagi ko po ang Two Phased. Ito ay isang romance novel na may subgenre na mystery. Isa ang bidang lalake sa mga biktima ng betrayal hindi lamang sa kaniyang babaeng minahal noon kundi pati na rin ng ibang taong malapit sa kaniya. Ang storyang ito ay raw at unedited pero masasabi kong worth it naman siyang basahin dahil unti-unti mong mapapansin ang development ng mga characters at ng kwento. Kapupulutan din ng aral lalong-lalo na sa mga taong depressed at feeling nila sinalo nila lahat ng pasanin sa mundo. You can find it out on my profile o di kaya'y sa reading list ng RomancePH.

Description:

He has been finding the shattered pieces of his past for almost 8 years. From Ontario Canada, Zeiko went back to the place where all of his lost memories situated, Philippines.

Memories started to unleash. Feelings started to bloom. Hatred raged like a burning passion. Dangers from the machinate played its tricks. Forgiveness became impossible.

Lahat ng 'yon ay nangyari noong nakilala niya si Daisy. His mysterious two phased flower.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now