loveisnotrude

20 1 0
                                    


Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Quest for Love na si loveisnotrude   ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Quest for Love na si loveisnotrude   ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang unang pumasok sa isip mo ng mabasa ang tema ng patimpalak na ito? Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsusulat ng Diploma Bago Jowa?

As usual, first impression ko talaga ay na-amaze—sa nakaisip ng buong concept, ng prompts, at ayon nga, sa mismong tema. Sabi ko pa, 'Di na naman ako binigo sa creativity ng mga tiga-RomancePH. Akswali, may pagdadalawang-isip pa nga ako kung sasali ba ako o hindi. During that time kasi (until now pa rin naman), naka-hiatus ako sa pagsusulat ng mga epistolary. Last update ko pa nga sa ongoing epistolary ko ay nung April pa. So, nung nalaman ko na gano'ng klase ng storytelling ang kailangan para sa contest na 'yon, di agad ako nakapag-decide. Naisip ko kasi, bakâ di ko ma-pull off dahil nga ilang buwan na akong hindi nagsusulat ng gano'n. Pero ayern, after nang pakikipag-brainstorming sa sarili, I ended up joining—at kung sinusuwerte nga naman, my entry won pa.

As for the inspiration naman ng DBJ, sa totoo lang, wala. Bukod sa napili kong prompt, wala na talaga akong naging ibang inspirasyon sa kuwentong 'yon. Gano'n kawalang kwenta ang brain cells ko at that moment. Kaya malaking tulong talaga yung provided prompt sa pagbuo ko ng Diploma Bago Jowa. Without it, wala rin siguro akong mapo-provide na gano'n kabonggang entry.

2. Paano ang iyong naging writing process para sa kwento at patimpalak na ito?

Base sa journal entry ko about it, nag-start akong mag-conceptualize at 12 a.m. nung June 15. That time, nakapag-decide na akong Prompt #2 ang gagamitin ko. I also have a storyline in mind pero di pa ako nag-start magsulat kasi wala pa akong final title (fun fact: there are times na di talaga ako makapag-start magsulat hangga't wala akong final title at book cover). Bale, at 1 a.m. ay nakaisip na ako. Yung first title na naisip ko ay "Add to Heart" kaso pag-check ko ng mga entries ay may gano'ng title na. At dahil ayaw ko namang gumaya (kahit sa title lang), nag-isip ulit ako and I came up with "Virtually in Love" — na hindi ko rin ginamit kasi I realized na di ito tugma sa storyline na naisip ko. Until at 2 a.m., I've got a sudden light-bulb-na-biglang-sumulpot-sa-ulo moment at nakaisip ako ng apat na posible at swak na title para sa entry ko: 1) Diploma Bago Jowa; 2) Diploma > Jowa; 3) Diploma Muna Bago Jowa; and 4) Diploma Over Jowa. The funny thing pa is nagpatulong ako sa GR pipz (shout out sa inyo, mga beh!) kung ano ang magandang title ta's yung pang-apat ang pinili nila, pero di ko rin naman sinunod. Huhu. Nakagawa na kasi ako ng book cover ta's yung DBJ ang title na ginamit ko at gandang-ganda ako sa outcome na ayaw ko nang palitan pa, so nagpaladesisyon na lang ako. HAHAHA!

After nung kaguluhan na 'yan, nag-start na rin akong mag-draft. Inuna ko muna yung mga graphics na gagamitin ko ta's itinuloy ko na lang yung mismong pagsusulat kinaumagahan paggising—emz, hapon na pala ako nakapagsulat kasi tanghali na rin ako nagising no'n. Basta at 15:30 ako natapos, ayon sa aking journal entry.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now