stoutnovelist

75 7 5
                                    

Hold up! The fun isn't over yet because RomancePH brings you the writer of Bad Man (Vorex Series 1) and Revenge Oneself, walang iba kundi si stoutnovelist samahan kami na alamin ang kanyang payo sa mga manunulat na natatakot sa bashing at ang kanyang sweet na mensahe para sa kaniyang mga fans :)

Hold up! The fun isn't over yet because RomancePH brings you the writer of Bad Man (Vorex Series 1) and Revenge Oneself, walang iba kundi si stoutnovelist samahan kami na alamin ang kanyang payo sa mga manunulat na natatakot sa bashing at ang kany...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang maipapayo mo sa mga baguhang manunulat? 

-Ang tanging maipapayo ko lang sa mga baguhang manunulat ay huwag na huwag silang susuko sa kanilang pangarap. Move always your pen and write what your heart wants to say. Don't be afraid from criticisms because it can build your soul and heart more braver. Don't rush things, make it slow and plant. Sulat nang sulat, basa nang basa, at aral nang aral. Huwag susuko, magtiwala sa kakayahan at sa inyong sarili. Always pray ka lang kay God. Nothing is impossible with Him.

There's always a door for everyone, you can just do is to put an effort, work and believe in yourself. You can be someday a someone's favorite writer. 

2. Sino ang writer na iniidolo mo at naging inpirasyon para maging isang manunulat? 

-Inspirasyon ko sa pagsusulat at kung bakit ako nakapagsulat ay dahil kay Miss Martha Cecilia from PHR authors. Sa mga indie writers naman ng ating bansa ay sina Lualhati Bautista at Bob Ong. And here from Wattpad ay si Miss April_Avery po. 

3. Bukod sa pagiging writer, ano ang iyong dream sa buhay? 

-Bukod sa pagiging writer, pinapangarap ko ring maging isang army someday o kaya ay maging isang accountant. But now, naging taliwas dahil education ang nakuha kong kurso sa kolehiyo. But everything has a purpose nga po at reason. 

4. Kapag ikaw ay nakaranas ng writer's block, ano ang iyong ginagawa? 

-Kapag ako po ay makaranas ng writer's block, pinapahinga ko po muna ang sarili ko. Nanonood ako ng mga animé, mostly gawa ng Ghibli studio; mga animé series and movies. Minsan nakikinig ng musics at namamasyal sa mga lugar napagkukunan ng inspirasyon ulit. 

5. Take us to that time na una mong nalaman na gusto mong magsulat? 

-When grade 6, nakahiligan ko pong magbasa ng mga pocketbooks ni Mama. Si Mama talaga nakaimpluwensya sa aking magbasa ng mga pocketbooks, mga PHR books. Hanggang sa tumuntong ako ng JHS— grade 7— doon ako nagsimulang magsulat ng kwento sa notebooks na pinagtagpi-tagpi ko mula sa mga nagamit kong motebooks noong elementary. Hanggang pinasok ko ang mundo ng Wattpad at ito nagsusulat pa rin po. 

6. Ano ang isang bagay na pinapangako mong hindi mo na gagawin? 

-Isang bagay na pinapangako ko nang hindi gawin ay ang sumuko sa buhay at ang talikdan ang Diyos— dahil walang makakapantay sa Kanyang kadakilaan sa lahat ng bagay. 

7. Paano ba mag sulat ng isang effective na love story? 

-Hindi ko po alam kung effective po itong ibabahagi ko sa pagsusulat ng love story; magbase on experience po, mostly po kasi hango sa totoong buhay ang isinusulat hinahaluan na lamang po ng fiction; lagyan po ng pure love sa story, hindi lang po lahat pakilig kundi ilagay kung ano ang meaning ng love sa story na iyon nang maramdaman din ng mambabasa. Always put your own self in the story and what love story do you want to have. 

8. Mayroon ka bang pets? Tell us about them! At kung wala naman, balak mo bang magkaroon ng pet soon? 

-We have pets po tatlong pusa po at limang aso. Sina Mimi, Uno and Dos (sa mga pusa po) anak po ni Mimi sina Uno and Dos. Three months old na po sila. Iyong lima po naming aso ay sina Bogie, Michy, Gadi, Rock, at Lilac.

9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong sariling akda and tell us why we should read it. 

-Wala po akong paborito sa aking mga akda, dahil lahat po sila ay gusto ko at may sari-sarili po silang kwentong nais iparating. 

10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers?

- Hello sa mga readers ko (kung mayroon man): 

Binabati ko kayo ng isang magandang araw! Gusto kong kunin ang opurtunidad na ito upang kayo ay aking mapasalamatan sa patuloy na pagsuporta at sa pagbabasa ng mga akda naming mga manunulat. 

Kayo ang isa sa rason kung bakit kami hindi sumusuko at patuloy sa paggawa ng kwento; upang may iparating at ipabasa sa inyong makapagpapasaya at makapagpa-iyak sa inyong puso. Kayo ang nakakikita ng mensaheng aming nais iparating sa pamamagitan ng aming mga akda, at ang ilan sa inyo'y nahanap ang sarili sa mga kwentong nasa libro; nangarap, umasam, nagkaroon ng pag-asa, naging masaya at naging matapang. Kalinga na ninyo ang mga libro at marami kayong nalaman at nakalap dito. 

Tayo ay iisa, mga Pilipinong mambabasa at mga manunukat ng Pilipinas!Mga kapatid, nawa'y patuloy kayo sa pagsuporta sa mga Pilipinong manunulat hanggang dulo. 

Laban, Pilipinas!

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now