PrincessThirteen00

26 1 2
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Remembering November Love na si PrincessThirteen00! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Remembering November Love na si PrincessThirteen00! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang naging inspirasyon mo sa iyong winning entry na "Kiss and Run"?

Hindi lihim sa mga readers na tungkol ito sa isang failed relationship ko. At sa entry na 'to ko binuhos 'yung thought na hanggang d'on na talaga ang lahat.

2. Ano ang pag-ibig para sayo?

Love is God. That's it.

3. Ano ang pinakapaborito mong naisulat na akda sa ngayon at bakit?

Sa kasalukuyan, masasabi kong ang Traveler's Dawn Series: Bittersweet Kiss in Batangas kasi sobrang light nito at nakakakilig. At masasabi kong ganoon din ang naramdaman ng readers ko na umaapaw sa kilig at pagmamahal ang story nina Katherine at Crisostomo.

4. Ano ang masasabi mo sa prompt?

I really liked the prompt kasi I immediately knew what I wanted to write and express.

5. Ano o sino ang inspirasyon mo sa pagsusulat?

Inspired ako to keep writing because of a dream to put all thoughts and imaginations into words . . . na sana maging isang libro sila in the future.

6. Kailan ka nagsimula magsulat?

Noong bata ako. Char! I started writing stories noong elementary pa lang ako. I actually started writing horror first before anything else. Hindi lang halata sa mga sinusulat ko ngayon. Then I joined Wattpad noong December 2012. Miyembro po ako ng mga Tita of Wattpad.

7. Kung nabubuhay ang isa sa mga karakter na sinulat mo, sino ka at bakit?

Si Corliss Louise Eliseo from Let Me Series: Let Me Speak. She reminded me greatly of myself and I just wanted to give her a hug talaga after everything she had been through in life.

8. Physical book o E-book?

Physical!

9. Kung hindi ka isang manunulat, ano kaya ang iyong ginagawa ngayon?

Natutulog para makapag-ipon ng lakas para maging isang manunulat. Char! I think I would remain as a full-time employee na iba ang ginagawa since hindi naman writing lang ang ginagawa ko even to this day.

10. Ano ang mensahe mo sa iyong mga readers?

Thank you. Sobra. Hindi man ako sikat, hindi man ako laging nakapagsusulat ng update, pero nand'yan pa rin kayo. And for that, I am beyond grateful. Salamat kasi hindi niyo ako iniwan. Salamat kasi patuloy niyo akong sinusuportahan. Mahal ko kayo!

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now