pilosopotasya

382 43 17
                                    

Hi. (づ。◕‿‿◕。)づ

Ready ka na ba? Well you should be because we have the one and only pilosopotasya! Writer of Nagpatukso (NagpaSeries #1) and 23:11. Alamin ang kaniyang payo sa mga baguhang manunulat at kung kailan niya unang nalaman na gusto niyang mag sulat.

 Alamin ang kaniyang payo sa mga baguhang manunulat at kung kailan niya unang nalaman na gusto niyang mag sulat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Take us to that time na una mong nalaman na gusto mong magsulat?

-Bata pa lang ako, nabukas na ang mga mata ko sa "storytelling" dahil na rin sa pakikinig sa mga ginagawang fictional story ng ate ko. By grade 6, may notebook na umikot sa klase namin na script-form story. Sumubok ako ng ganon pero failed kasi ang tamad ko magsulat haha lol. I also tried writing an english fantasy story via laptop. Hindi ko makakalimutang pangalan ng mga lalaki sa story na yon ay pangalan ng crush ko noon. Hindi to natuloy dahil hindi pa ako nakakabasa ng isang buong fantasy story, at obviously, kulang at hilaw pa ako.

Then, high school came, nagsimula ako sa pagsusulat ng mga poems. Nakabasa na rin ako ng mga fanfiction, naadik ako at unti-unti akong nalu-lure sa online stories. And as time passed by, nagsimula ako magsulat online ng mga English Fanfiction.

But!! Tamad kasi ako kaya hindi sobrang natuloy ang fanfiction career ko. Haha.

Mas nagbunga ang online writing ko noong nalaman ko ang existence ng Teentalk, Creative Corner, kasi puro mga tagalog na. Mehe. Ilang years ako doon until medyo lumipat sa Tumblr. First year highschool din ako noong nagsimula akong magsulat ng mga life blogs. Gn2 pA ngAh aQuOh mAgTyPe nG noOn. Idk how I managed to type those with ease . . . sobrang innate lang siguro ng pagkajeje ko. Haha!

Sa gitna ng mga ito, nagbabasa ako ng psicom books and kaunting phr. I remember one scenario kung saan nasa national bookstore kami ng kaibigan ko and were looking at phr books for an email kung saan pwedeng ipasa ang kwento para makapag-publish. Kung tama nga naaalala ko, ang sabi namin, "magpa-publish tayo ng libro, ah?" Pero hindi kami naging sobrang pushy sa idea. Nawala na nga tbh.

Tumigil din ako magsulat noong nagcollege ako, before Wattpad days, kasi na-focus ako sa college life which is keri lang kasi nakabalik ako ng onti sa pagsusulat tapos nagtuloy tuloy yon.

During the publishing craze, natutunan ko ang mundo ng publishing dahil sa mga na-exp ko na medyo mahaba kaya di ko na ilalagay. Basta to cut the story short, mas natuto ako sa tamang pagsusulat (na pwedeng baliin) at dito ko pinakaminahal hindi lang ang pagsusulat, pati na rin ang publishing experience. Dito ko nalaman na "mahal ko" nga talaga ang pagsusulat. Pero mas nanaig noong 2015 ang pagmamahal na ito noong halos every day ako nakakapagsulat, nakakapag-post, at nakakapag-interact sa readers. Nakatapos ako ng three stories nang tuloy-tuloy, at ang daaaaammiiii kong idea for new books and series.

Walang pinaka "aha" moment talaga kung tutuusin kasi since bata pa lang ako, parang may foreshadowing na. Tipong ginug-groom ako ng mundo at kahit umalis ako e bumablik-balik pa rin sa umpisa which is storytelling.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now