MissCat_0910

255 8 0
                                    


1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng iyong winning entry para sa Ang Lagim ng Unang Pagsinta? 

 - Ang naging inspirasyon ko para maisulat ang Eonian ay 'yong given na prompt saka nag-isip na lamang ako ng mga eksena na bubuo sa story ng mga main characters which is sina Luna at Zacharias.

2. Ano ang naging reaction mo nang malaman mo na nanalo ang iyong akda? 

 - Napatalon ako sa tuwa no'ng nalaman kong nanalo 'yong akda ko lalo na dahil sa hindi ko inaasahang sa dinami-rami ng maaaring manalo ay naging isa ako sa kanila.

3. Mayroon ka bang Wattpad Story na gusto mong ibahagi sa amin? Tell us about it! 

 - Gusto ko sanang ibahagi ang isang story ko na ang pamagat ay Lacuna. Kuwento ito ng isang binatang nagising sa isang malagim na bangungot. Doon nagsimulang magkaroon siya ng masalimuot na mga alaala ng isang binatang kailanman ay hindi niya pa nakikilala.

4. Mayroon ka bang maibibigay na tips o kaya naman advice sa mga batang writers? 

 - Ang tips o advice na maaari kong ibigay sa mga batang writers ay kung gusto mo talaga na maging successful sa pagsusulat puwes huwag kang sumuko agad. Gawin mo ring inspirasyon ang bawat manunulat na kung kaya nilang makagawa ng isang akda o magkaroon ng published na libro ay kaya mo rin. Never stop learning and always pray to God for his guidance.

5. If you could talk to the younger you, ano ang sasabihin mo sa kaniya? 

 - Ang sasabihin ko sa kaniya ay apat na taon na ang lumipas simula no'ng magsimula kang magsulat. Marami kang pagsubok na pinagdaanan ngunit lahat ng 'yon ay nagawa mong lampasan. Maraming beses mo na ring sinubukang mag-quit sa Wattpad at maging sa pagsusulat ng mga story ngunit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin at patuloy na nangangarap na balang araw ay maging isang author ng sarili mong libro. Palagi mo lamang tatandaan sa tuwing pinanghihinaan ka ng loob na huwag kang sumuko agad sa anomang laban ng buhay dahil may dahilan ang Panginoon kung bakit mo 'yon nararanasan.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now