mineraruxx

36 1 3
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Quest for Love na si mineraruxx! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Quest for Love na si mineraruxx! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng Out of the Blue para sa patimpalak na Quest for Love? 

 - Honestly speaking, wala akong naging inpirasyon sa pagsusulat ng Out Of The Blue. Nakita ko lang ang patimpalak na Quest For Love sa isa sa mga Facebook friends ko and since it requires epistolary style of writing at nagsusulat na talaga ako ng mga epistolary stories, naisip kong sumali. Siguro, not sure kung masasabing inspirasyon ito pero pangarap ko talagang makapunta sa Japan tulad ng main character sa Out Of The Blue, pero para magbakasyon at hindi para magtrabaho. Haha.

2. Mayroon ka bang kilalang tao na naging inspirasyon para sa isa sa iyong mga karakter? Sino ito at bakit? 

 - Wala rin akong naging inspirasyon sa pagbuo ng mga karakter sa Out Of The Blue. Ginawa ko lang nurse ang female lead sa kuwento dahil wala pa akong naging karakter na nurse sa anomang mga stories ko. Wala rin naman akong kilalang nurse. Same din sa male lead na isang CEO na nagtatrabaho sa Japan at mahilig mag-travel. Basta na lang ako nagsulat base sa prompts. Hihi. 

3. Ano ang paborito mong genre na isulat? 

 - Ang paborito kong genre na isulat is Young Adult and Romance. Pero sumusubok din akong magsulat gamit ang ibang genre like—Joke. I can't drop it here. Spoiler 'yon. Hihi. 

4. Ilang beses ka magsulat sa isang buwan? 

- Puwede pong hindi sagutin? Tamad po kasi ako. Joke. I'm trying to write everyday as long as may free time ako, kapag hindi busy sa school works, kapag walang load, kapag nasa mood.

5. May sinusunod ka bang rules sa pagsulat? 

 - In connection to the question above, to not force myself to write is one of my rule when I'm writing. Kapag wala sa mood, walang maisip na kasunod na scene kasi tamad mag-outline, kapag feel kong lumayo sa pagsusulat, hindi ko pupuwersahin ang sarili ko na magsulat. Magsusulat ako kung gusto ko, kapag feel kong magsulat. Coz I know that when you force to write, pangit ang magiging outcome at hindi magagamot ng editing lang. Revision, yes. 

6. Ano ang iyong greatest fear bilang isang writer?

- Ang aking greatest fear bilang isang manunulat ay ang tamarin araw-araw sa pagsusulat, manakaw ang aking mga akda na, thankully and hoping na hindi mangyari, at ang mawala o ma-delete ang aking mga stories sa cellphone ko kasi sa totoo lang, wala akong back-up. TT^TT 

 7. Ano ang iyong greatest pet-peeve? 

 - If this is about stories, my greatest pet-peeve is having no balance sa dialogue at narration ng isang story. Like, dialogues na walang saysay sa daloy ng story at narration, isang paragraph sa story, na parang pinaulit-ulit na every chapter. Additional, kapag trying hard mag-insert ng funny scenes. Hihi.

8. Ano ang iyong favorite food?

 - Ang favorite food ko is anything na matamis like chocolates, gummy candies, lalo na ang ice cream. 

9. Ano ang iyong akda na nais pang ibahagi sa amin? 

 - Nais kong ibahagi rin sa inyo, bukod sa Out Of The Blue, ang Remarks: I<3U na isa ring epistolary. Also, my duology novella, The Timeline. And more epistolary stories and edited novels soon! 

10. Mayroon ka bang mensahe para sa iyong mga mambabasa? 

 - Enjoy reading my stories. Me loves and appreciate each one of you.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now