KynLee074

6 0 0
                                    


Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Golden Ticket of Love na si KynLee074  ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Golden Ticket of Love na si KynLee074  ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ilang taon ka nang magsimulang magsulat ng mga kwento? 

20 po ako noong magsimula akong magsulat ng maiikling kwento.

2. Ano ang unang pumasok sa isipan mo nang mabasa mo ang tungkol sa patimpalak at ang tema nito? Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng Ticket to Move On? 

 Noong mabasa ko ang tema sa patimpalak na ito, naisip ko na maaari kong ilapat ang mga ideya na matagal ko ng pinaghahandaan dahil konektado sila sa kwento. Ang inspirasyon ko sa pagsusulat ng Ticket to Move On ay ang aking hilig sa pagsusulat ng trahedya. Ayaw man ng karamihan, naniniwala ako na kapag naisulat ng mabuti, ang mga trahedya ay nakakapagbigay ng kakaibang emosyon. Isang emosyon na hind madaling kalimutan. At yan ang gusto kong maging tatak ng aking mga kwento.

3. Ano ang paborito mong genre na isulat at bakit? 

Ang paboritong genre na sinusulat ko ay romance dahil may kasabihan na "Romance never go out of style." Kahit paulit-ulit man ang plot ng kwento, nagkakaiba parin ang daloy nito. That's what makes it more challenging.

4. Ilang beses ka magsulat sa isang buwan? 

Hanggat kaya ko, araw-araw ako kung magsulat. Ngunit may mga araw na wala ako sa mood para magsulat at hindi ko pinipilit ang sarili kong magsulat. Hinahayaan ko ang sarili kong magpahinga. Nakakahanap din naman ako ng inspirasyon at ideya sa mga pinapanood at binabasa ko.

5. Ano ang iyong greatest fear bilang writer?

Wala naman akong kinakatakutan. Hindi ako natatakot sa rejection at critiques dahil parte ito ng journey ko. 

6. Ano ang iyong greatest pet-peeve? 

Greatest pet-peeve ko 'yong hindi maabot ang deadline.

7. Kung may nais kang marating na lugar, saan ito at bakit? 

Wala namang specific na lugar na gusto kong puntahan. Gusto ko lang magpunta kung saan payapa ang puso ko.

8. Coffee or tea?

Coffee

 9. Ano ang iyong maipapayo sa ibang manunulat? 

Para sa kapwa ko manunulat, wag kayong matakot na sumubok. Sumubok ng bagong writing style, gumawa ng kakaibang plot, at lumikha ng mga kakaibang karakter. Wag niyong limitahan ang creativity niyo and don't let others dictate you. Kapag sinabihan ka nilang itigil ang pagsusulat dahil hindi nila nagustuhan ang likha mo, wag mo silang paniwalaan. Maniwala ka sa natatago mong kakayahan. 

10. May mensahe ka ba para sa iyong mga mambabasa?

Para sa aking mga mambabasa, nagpapasalamat ako dahil naglaan kayo ng oras na basahin ang mga likha ko. Binibigyan niyo ako ng lakas na magpatuloy pa. Kung bibigyan ng pagkakataon, nais ko kayong makilala.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now