JosevfTheGreat

142 6 0
                                    

Take a deep breath and prepare yourselves kasi narito na ang writer ng My Rival Stole My First Kiss and The Different Sides of Euphoria, JosevfTheGreat! Alamin ang kanyang payo sa mga baguhan na manunulat and what's the secret behind his success.

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Kailan ba dapat isuko ang pangarap sa pagsusulat? 

-Siguro hindi pagsuko ang tamang salitang dapat gamitin. Siguro tumigil, dahil darating ang araw na matatapos din ang lahat. Natapos na hindi dahil isinuko mo na, kung hindi natapos na. Kung isinuko mo ang pagsusulat, it's either hindi mo talaga pangarap ito or passion o di naman ay hindi ito para sayo.

2. Ano ang bagay na nagmomotivate sa iyo para ikaw ay magsulat? 

-Namomotivate ako dahil maraming naniniwala sa aking kakayahan na makagawa ng magandang akda. At tinitingnan ko ito bilang isang kalakasan upang mas magpatuloy pa sa pagsusulat.

3. Kapag ikaw ay nakaranas ng writer's block, ano ang iyong ginagawa? 

-Nakakahiya mang sabihin ay, hindi ako madalas nakakaranas ng writer's block ngunit kapag ako ay nakakaranas nito ay dahil iyon sa genre ng aking sinusulat, ibig sabihin ay hindi ko ito forte. Kaya nag babasa na lang ako ng story na related do'n para mas magkaroon ako ng buhay isulat iyon.

4. Take us to that time na una mong nalaman na gusto mong magsulat? 

-Year 2014, when I wrote my first story entitled "Bakasyon". I knew that I wanted this when I enjoyed it, and I continued it. Masaya ako sa tuwing ginagawa ko ito at na-express ko ang sarili through it.

5. Ano ang masasabi mo sa mga taong nais na magsulat pero nahihiya dahil takot sila na baka mabash lang sila? 

-Huwag silang matakot na magkamali. It's part of growing. Marami na rin akong natanggap na bash dahil sa mga unedited kong story, pero alam ko naman sa sarili ko na it's a path for a better version of yourself. Alam mo sa sarili mo na you will improve. 

6. How did you discover Wattpad? 

-I discovered wattpad because of an advertise of TM ata iyon or TNT of Alyloony's My Prince and I got hooked up with the advertise and I search her and that's when I discovered it.

7. What's the secret behind your success? 

-Siguro matatawag ko na rin itong success although I'm still far from it dahil narating ko na ito. Siguro, yung heart, yung heart sa pagsusulat. If you really love what you are doing, and you are eager for it. Kahit di marami reads, you are already successful.

8. Bukod sa pagiging writer, ano ang iyong dream sa buhay? 

-Gusto ko po maging Business Man in the future! 

9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong sariling akda and tell us why we should read it. 

-Siguro, ang The Different Sides of Euphoria dahil ito ay malalim na story. Maraming matututunan kung ito ay inaanalyze mong mabuti. Ito rin yung akdang habang sinusulat ko ay mabigat ang pakiramdam ko kaya naman ramdam talaga ang feels nitong story. 

sa katatawanan naman ay ang My Rival Stole My First Kiss, ito ang storya kong unedited at madalas ma-bash sa content nito. Pero naniniwala akong walang genre na HUMOR ang hindi cringy, at hindi parang baliw ang mga eksena kaya imbis na pagtuunan ko ng pansin ang mga bash ay minahal ko ang aking akda.

10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers? 

-Nais kong sabihin sakanila na maraming maraming salamat sa pagsuporta at sa pagbasa ng aking akda! Dahil sainyo ay mas nageencourage akong magpatuloy sa aking pangarap! Naway patuloy niyo po ang sabayan sa aking journey sa pagsusulat! Maraming salamat!!

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now