Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Mahalima Hanggang sa Huli na si HopelessWings! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.
1. Ano ang iyong maipapayo sa ibang manunulat?
Magsulat. Magsulat. Magsulat. Kung nawawalan ka ng ideya, makinig ka lang ng musika depende sa isinusulat mong genre. Honestly, hindi talaga ako magaling magbigay ng mga payo. Upang bigyan ng hustisya ang tanong na ito ay ibabahagi ko ang isa sa aking mga paboritong quote mula kay Susan Eloise Hinton: "If you want to be a writer, I have two pieces of advice. One is to be a reader. I think that's one of the most important parts of learning to write. The other piece of advice is 'Just do it!' Don't think about it, don't agonize, sit down and write."
2. Ano ang pinakapaborito mong naisulat na akda sa ngayon at bakit?
Ang pinakauna kong naisulat na kuwento sa Wattpad, ang Death Game: Secret Lies. Hindi ko makakalimutan kung paano ko sinimulang isulat ang kuwento kasama ang mga matatalik kong kaibigan hanggang sa magwakas ito. In short, sila ang naging inspirasyon ko para isulat ang DGSL. Bukod doon ay marami akong nakilala na mga manunulat at mambabasa na nagtulak sa akin upang magpatuloy sa pagsusulat ng mga kuwento.
3. What inspires you to write?
Bukod sa mga nakilala kong mga manunulat at mambabasa, na-inspire akong magsulat dahil sa aking sarili. May mga pagkakataon na gusto kong maging bida sa isang kuwento, o maging kontrabida sa buhay ng isang tao. Higit sa lahat ay gusto kong ibahagi sa ibang tao ang mga kuwentong nabuo ko habang nakatitig sa kawalan, o kahit sa pakikinig man lang ng musika.
4. What can you say about the prompt?
TRAGIC! MALUNGKOT! May galit ba kayo kay Pablo? Charot. Sobrang lungkot din naman ng POV niya sa music video. Bukod sa naka-caps kong sagot ay wala akong ibang masabi kundi ito: masakit sa puso isulat ang prompt ni Pablo. Lastly, kudos sa taong nakaisip ng prompt.
5. How did you come up with Patawad?
Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong paulit-ulit kong pinanuod at pinakinggan ang kantang, Hanggang Sa Huli? Maniwala kayo. HAHA. Una sa lahat, nag-quit na akong magsulat ng mga tragic endings. Nang mabasa ko ang prompt ni Pablo, isang ideya lang ang pumasok sa utak ko— PABLO DESERVE A HAPPY ENDING!
6. Sino ang bias mo sa SB19 at bakit?
STELLVESTER AJERO! Nahulog ako sa mapang-akit niyang high notes. Hindi ako nagbibiro. Promise. HAHA. Anyway, bukod sa maganda niyang boses ay gusto ko rin 'yong personality ni Stell. Alam niyo 'yong pakiramdam na ang sarap siguro niyang kasama at ka-chikahan buong araw? Just by watching their vlogs ever since their debut, ang pleasing lang ng kanyang personality.
7. Kung mapupunta ka sa mundo ng iyong nanalong akda, sino ka sa iyong mga character? Gagawin mo rin ba ang ginawa nila sa kwento?
Ang bida sa kuwento na si Konstantin Hermosa. Of course, magtatapat din ako kay John Paulo Nase. Kung bibigyan man ako ng ikalawang pagkakataon sa totoong buhay, magtatapat talaga ako kay crush. Pero walang pag-asa dahil umalis na siya ng bansa. Sad! HAHA.
8. When did you start writing in wattpad?
Nagsimula akong magsulat noong 2015, kasama ang mga matatalik kong kaibigan sa labas ng classroom. Tanda ko pa talaga ang buong pangyayari dahil nabuo ang DGSL sa mga panahon na iyon.
9. How did you come up with your username?
Wala akong ideya. Lasing ba ako nang binuo ko ang aking username? No. Sabog lang yata ako sa mga panahon na 'yon. Base sa aking naalala ay pinagsama ko lang ang dalawang salita, and BOOM! Nabuo ang HopelessWings sa loob ng isang minuto. In short, naging human random generator po ako seven years ago.
10. What is your message to A'tin and SB19?
To all A'tin around the globe and to the members of SB19, thank you so much for the wonderful journey! Maraming salamat sa patuloy niyong pagsuporta sa ating pinakamamahal na SB19 at sana'y hindi kayo magsawa. Maraming salamat sa pagtaas ng ating bandera at sana'y maabot niyo ang mga pangarap niyo sa buhay. Also, as an A'tin and a Filipino, I'm so proud of all your achievements. Mahal ko kayong lima!
YOU ARE READING
Writer's Catalog
RandomFeatured writers, interviews and more! Tuklasin ang writers under the spotlight at ang kanilang mga akda. Nais niyo bang mapagbilang sa Writer's Catalog ng RomancePH? Then please do read on!