GoofyXycho

18 1 0
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Lovingly Yours, Cupid na si GoofyXycho! Ating kilalanin at alamin ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Lovingly Yours, Cupid na si GoofyXycho! Ating kilalanin at alamin ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang iyong inspirasyon sa iyong dalawang akda na nanalo, ang Ends of the String?

Iyong malaking inspirasyon ko iyong prompt po, iyong story po ni Ate Jhing Bautista na Karmic Hearts at iyong 6 years of unrequited love ko sa crush ko.


2. Ilang taon ka nang magsimula kang magsulat? Kailan ka nagsimulang magsulat dito sa Wattpad?

14 years old po yata ako unang naengganyong magsulat ng mga stories particularly ng action stories dahil adik na adik ako noon sa gangster at mafia stories at nung halos maubos ko na lahat ng stories na ganoong genre ay napag-isipan kong sumubok magsulat sa wattpad pero kadalasan ay nakatambay lang sa drafts yung mga gawa ko.


3. Mayroon ka bang sinusunod na writing process? Paano ito?

Meron po akong sinusunod na writing process pero hindi ito ganoon kahigpit. Kadalasan ay nagsisimula ako sa pag-isip ng kung anong pangyayari nakaikot ang isang kabanata tapos dadagdagan ko ng iba pang mga detalye at kapag nabuo ko na iyon ay babalikan ko ito upang icheck sa kung ano mang Makita kong grammatical errors, pero napakabagal ko po talagang magsulat. Halos lahat ng oras ay iginugol ko sa brainstorming.


4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay sa isa sa mga akdang naisulat mo, alin ito at bakit?

Kung papipiliin ako ay doon ako sa akda kong 'Devi in Disguise'. I want to be part of my protagonist's journey as she makes her way into the mortal realm. I think it would be exciting joining her on her misadventures.


5. Ano ang paborito mong genre na isulat at bakit?

Paborito kong genre isulat po ay action, teen fiction, mystery at fantasy na may halong romance lahat. Bale parang icing on top talaga iyong romance.


6. Ano ang iyong greatest pet-peeve?

Iyong pabigat sa research, kahit pancit canton na nga lang ambag di pa magawa, charot hehe, Pero aside doon, iyong naninigarilyo sa public, yun po talaga greatest pet peeve ko.


7. Mayroon ka bang kilalang tao na naging insipirasyon para sa isa sa iyong mga karakter? Sino ito at bakit?

Pinaka-inspirasyon kong tao sa ilan sa mga characters ko ay yung crush kong anim na taon ko nang crush. Shout out sayo crush, di kita mareach huhu.


8. Sino ang iyong current celebrity crush?

Dalawa po, si Cole Sprouse abroad tsaka sa local ay si Sean Dave Ildelfonso po hehe


9. Ano ang iyong maipapayo sa ibang manunulat?

Never stop looking for opportunities to grow and develop as a writer. Be your own supporter as well as your own critic and never stop writing po.


10. May mensahe ka ba para sa iyong mga mambabasa?

Maraming maraming salamat po sa inyo. Labis po akong nagpapasalamat dahil naging mambabasa ko kayo lalo na po iyong mga sumusubaybay sa on-going stories ko kahit once in a blue moon akong nag-uupdate, nawa'y araw-araw kayong pipiliin.


Writer's CatalogWhere stories live. Discover now