Kay was Zandrix's source of happiness hindi lang dahil sa magkapareho sila ng ugali o kaya ay lagi niya itong kinukulit at binibiro kung hindi dahil rin sa mahal niya ito higit pa sa isang kaibigan.
He loves her more than what they are right now but Kay didn't have any idea that what he felt is real it is because nasa iba nakatuon ang pansin niya.
Zandrix was aware that Kay's attention is only for that man but he is still hoping na may pag-asa pa silang dalawa pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila. Alam niyang meron at hindi siya nawawalan ng pag-asa dahil alam niyang sa kanya lang rin lalapit ang babae kahit na ano pang mangyari.
Pero.. nang makita niya itong kasama na naman ang lalaking yon ay parang mas lalong nagiging malabo sa kanya ang lahat.
Ngayon ang kasal ng pinsan niyang si Caella at ng kaibigan niyang si Rozian at imbis na nagsasaya dapat siya ay eto na naman siya at nakasunod sa babaeng mahal niya.
Mabilis siyang nagpaalam sa mga kaibigan niya kanina upang sundan si Kay na balak yatang puntahan ang nobyo at yon nga ang nasaksihan niya.
"Hon!!"
Dinig niyang sigaw ni Kay nang sundan niya ito papalabas ng reception area.
So nakipagbalikan na naman pala siya sa lalaking yon. Pang-ilan na ba itong ginagawa niya? Hindi ba siya nadadala sa panloloko ng lalaking yon sa kanya?Niloko na nga siya't lahat lahat tapos eto na naman siya?
Sa isip niya.
"Bakit hindi ka pumasok don? Tara sa loob."
"I can't hon kasi dumaan lang talaga ako dito para makita ka. I have a sudden flight to Vegas tonight dahil kailangan ako nina mommy doon."
"Bakit? May nangyari ba?"
"Dad had a heart attack again at kailangan siyang maoperahan kaya hindi ako pwedeng hindi umalis."
"I'm sorry to hear that hon. Sana gumaling na si Tito."
"Sana nga and I have to go hon. Tatawagan nalang kita kapag nandoon na ako. Sorry talaga."
Anito saka hinalikan si Kay na ikinaigting naman ng panga niya.
That bastard!
Kung napapaniwala niya si Corrine pwes ako hindi.
"It's okay hon, mas mahalaga ang daddy mo."
Huling sambit ng dalaga bago umalis ang nobyo nito.
Nang maiwan nalang na mag-isa ang si Kay ay saka lang niya ito nilapitan.
Hindi siya pwedeng manahimik nalang habang yung lalaking yon ay niloloko na ang mahal niya.
"Corrine."
Tawag pansin niya dito na ikinagulat naman ng huli.
"Drix! Kanina ka pa ba jan?"
Tanong nito saka sinundan ng tingin ang dinaanan ng nobyo.
Pero.. iba ang isinagot niya dahil narin sa galit.
"Nakipagbalikan ka sa kanya?"
Galit niyang sambit sa dalaga na ikinakunot naman ng noo ng huli.
"Why? Whats wrong with that?"
"You're asking me whats wrong? Hindi ka ba nadadala sa panloloko niya sayo at nakipagbalikan ka na naman sa kanya?"
"He loves me Drix and he promised to me na hindi na siya uulit sa ginawa niya. Besides, he already love me at hindi na ito lokohan lang."
"How can you prove that he's saying the truth? Dahil lang sinabi niya? Tsk. You're unbelievable Corrine."
Aniya saka iniwan na ang dalaga na hanggang ngayon ay walang ideya kung bakit nagkakaganon ang matalik na kaibigan.
Iniwasan niya muna ang dalaga simula noon at hindi na niya kinakausap ito. Pero..mas lalo pa siyang nagalit ng malamang magpapakasal na pala ito sa nobyo niya ng hindi niya nalalaman.
Ni hindi pa nga niya nasasabi ang nararamdaman niya tapos malalaman nalang niyang ikakasal na pala ito?
Binabalewala at tinitiis niya talagang wag kausapin ang dalaga pero ito naman ngayon ang nangungulit sa kanya at nang maharang na siya ng dalaga ay hindi na siya nakaiwas pa.
"Drix! Can we talk? Please? Wag mo naman akong iwasan. Galit ka ba sakin?"
Tanong ng dalaga na tiningnan naman niya ng malamig.
"How can I not kung nagpapabulag ka na naman sa lalaking yon tapos ano? Sa akin ka na naman iiyak kapag sinaktan ka niya?"
"Look Drix, diba sinabi ko na sayong nagbago na si Terrenz? Tsaka mahal niya ako kaya pwede bang maging masaya ka nalang sa akin?"
"How can you really be sure on that? Dahil sinabi niya sayo kaya papaniwalaan mo talaga siya? Hindi ka parin ba nadadala sa kanya ha?? Ilang beses ka na niyang niloloko tapos eto ka at papakasalan mo pa siya!"
Sambit niya sa kaibigan.
"Drix..mahal ko si Terrenz at mahal narin niya ako kaya hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito. Intindihin mo naman ako oh. Akala ko ba magkaibigan tayo at susuportahan mo ako sa mga desisyon ko?"
"Pero mali na ang ginagawa mo Corrine! Hanggang kailan ka magpapakabaliw sa lalaking yon ha? Hanggang sa maubos ka na?"
"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa kanya ha?" Tanong ulit ng babae.
"Dahil gago siya at hindi ako naniniwalang nagbago na siya! Kilala ko ang ganong mga klaseng lalaki kaya habang maaga pa ay wag mo nang ituloy yang balak mo."
Hindi naman niya maiwasang sabihin.
"Drix naman..eto yung kasiyahan ko kaya please suportahan mo naman ako. Maging masaya ka naman para sa akin tsaka pwedeng bumalik na tayo sa dati? Hindi ko kasi kayang isipin na galit ka sa akin."
Napapailing naman siya dahil sa sinambit nito.
"Manhid ka ba talaga Corrine?"
Tanong niya kaya napakunot naman ang noo ng dalaga.
"What? No I'm not."
Tanggi naman ng dalaga.
"Talaga? Eh bakit hindi mo manlang maramdaman na mahal kita?"
Sa wakas ay sambit nito na ikinagulat naman ng dalaga.
Alam niyang wala ring silbi ang sinabi niya pero pinagpatuloy niya parin.
"A-nong sabi mo?"
"Matagal na kitang mahal higit pa sa isang kaibigan Corrine! Alam yon ng barkada samantalang ikaw hindi mo yon pinapansin dahil lagi ka nalang nakatingin kay Terrenz! Ang sakit lang eh alam mo yon? Akala ko may pag-asa na tayo pero akala ko lang pala kasi bumalik ka na naman sa kanya!"
"Drix..your just joking right? Wag ka namang magbiro ng ganyan kasi hindi yon nakakatuwa."
Napailing nalang siya ulit saka napahilamos ng mukha dahil sa sinambit ng dalaga. She really wont believe him.
F*ck!
"Nagbibiro ba ako sa lagay kong to? I'm sorry Corrine but I can't do what you want me to do! Hindi ko kayang makita kang kasama ang gagong yon kasi masakit dito!"
Sambit ulit niya at tuluyan ng tinalikuran ang dalaga.
Masakit man pero lalayo nalang siya para pareho na silang hindi pa masaktan ng husto lalo na siya.
Pero..
Kaya nga ba niyang lumayo sa nag-iisang babaeng minahal niya? Isang araw pa nga lang na hindi niya ito nakikita ay nababaliw na siya how much more kung magtatagal pa?
Kung pwede lang sanang turuan ang puso niya ay matagal na niyang binaling ang tingin sa iba.
"Niel?"
-------
BINABASA MO ANG
Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]
ChickLitLove.. Kay believes that everyone deserves to love and to be loved. And She's not an exception to that. She deserves to be loved but why does the only man she ever love doesn't love her anymore? And another thing is the man whose always been there w...