8

901 17 0
                                    

Mabilis nga talaga ang oras kapag masaya ka at minsan hindi mo namamalayang tapos na pala ang panandaliang kasiyahan mo.

Tatlong araw na silang magkasama ni Zandrix at sa loob ng mga araw na yon ay lagi siyang pinapasaya ng binata.

Hindi siya nito hinahayaang umiyak pero kung minsan kapag naiisip ang nawalang anak at hindi niya mapigilan ang emosyon ay nariyan lang lagi sa tabi niya ang binata at nakaalalay sa kanya.

Kaya nagpapasalamat siya ng husto dahil nagkaayos silang dalawa atska hindi niya itatangging hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nila kasi simula nang may mangyari ulit sa kanila ay hinahanap hanap na niya ito.

Alam niyang pagtataksil iyon pero kung si Zandrix rin lang naman ang makakasama niya ay hindi niya pagsisisihan iyon.

Hindi nga ba?

"Hey babe..may problema ba?"

Zandrix said then backhugged her.

Umiling naman siya saka sumandal dito.

"Kailan tayo babalik sa syudad?"

"Bakit? Gusto mo na bang bumalik?"

Gusto na nga ba niyang bumalik lalo na sa asawa niyang walang pakialam sa kanya? Paano kung sa pagbalik niya ay mas lalo lang lalala ang sitwasyon nilang mag-asawa?

Pero..sa kabila ng lahat ay namimiss niya parin ito ng husto.

"Ahm.. marami na kasi akong naiwang trabaho sa company."

Pagdadahilan niya which is somehow true dahil marami ang trabahong naipon dahil sa pagbubuntis niya. Wala naman kasing ibang gagawa non kundi siya lang.

"Hmm..don't worry babe. Bukas uuwi na tayo."

"Pero..pwede ba tayong bumalik dito ulit?"

"Oo naman, anytime you want."

Napangiti naman siya dahil don saka napayakap sa binata.

"Thank you for always making me happy Drix."

Sambit niya habang nakayakap na ngayon sa binata.

"Basta't para sayo gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang."

Kinabukasan nga ay tanghali na silang naglayag pabalik sa syudad then nang makarating sila ay inihatid na siya mismo ni Zandrix sa bahay nila ng asawa.

"Salamat ulit Drix."

Sambit niya at lalabas na sana ng sasakyan nang mabilis siyang hinigit ng binata para bigyan ng isang mabining halik sa labi.

"I love you babe."

Tumango nalang siya ng alanganin saka tuluyan ng lumabas ng sasakyan nito.

Nang makarating siya sa tapat ng bahay nila ay hindi niya inaasahang makikita doon ang asawa na nag-aabang sa kanya.

Hindi pa gaanong malalim ang gabi pero sobrang dilim na at tanging ilaw lang nila sa labas ng bahay ang gumagana kaya kitang kita niya ito.

"Hon!!"

Tawag nito sa kanya nang makita na siya ng tuluyan then mas lalong hindi niya inaasahang yayakapin siya nito ng sobrang higpit.

"I'm sorry hon..I'm sorry for everything that I did to you and to our angel. I was drugged that time kaya ko nagawa yon lahat. I'm really really sorry hon and I regret doing that. I really do."

Sambit nito habang nakayakap parin ng mahigpit sa kanya.

Hindi niya alam kung anong isasagot dito dahil naguguluhan siya sa ikinikilos nito. Ilang araw lang na nawala siya tapos pagbalik niya ay ganito na ito?

Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon