16

923 17 0
                                    

Zandrix was hesitant if he will going to open the envelope that Kay's mother in law gave him. Ito kasi ang tumawag sa kanya kanina at may binigay nga itong sulat sa kanya pagkatapos siya nitong kausapin.

Hindi tuloy mawala sa isip niya ang sinabi nang ginang at hanggang ngayon ay nagtataka parin siya.

"Ingatan mo sana ang apo ko pati si Kay hijo at kung may nagawa mang kasalanan ang anak ko sayo, sana ay mapatawad mo siya."

Naalala niyang sambit nito saka siya iniwan pagkatapos ibigay ang sobre sa kanya.

Bakit parehong pareho sila ng sinabi ng anak nito?

"Ipinagkakatiwala ko na sila sayo Peter's kaya sana ay mahalin at alagaan mo sila ng husto. Ikaw lang ang tanging taong mapagkakatiwalaan ko kaya sana ay wag mong sayangin yon. Atsaka, sana rin ay mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sa oras na malaman mo ang totoo."

Bigla nalang pumasok sa isip niya ng huling beses niyang nakausap ang asawa ni Kay. Dalawang linggo lang ang nakakalipas ng mangyari yon kaya hindi niya iyon magawang kalimutan.

Gusto nitong ingatan niya ang mag-ina nito at isa lang ang pumapasok sa isip niyang dahilan.

Ipinagkakatiwala sa kanya ni Thompson at ng ginang si Kay at pati ang bata. Alam ba nang mga ito ang tungkol sa nakaraan nila ng kaibigan?

Parang may nag-uudyok naman sa kanyang buksan ang sobre  kaya yon ang ginawa niya at nang tuluyan itong buksan ay isang lihim ang natuklasan niya.

All this time ay isa palang kasinungalingan ang lahat tungkol sa kanila ni Kay? F*ck!! What a selfish f*cking bastard!!

Pinaniwala niya si Kay sa isang kasinungalingan!

Sa oras na malaman ito ng babae ay siguradong mas lalong masasaktan yon! At yon ang hindi niya kayang makita!

Napasuntok nalang siya sa sementong pader dahil sa sobrang galit at dahil wala na siyang mapagbuntunan.

Bukas na bukas din ay babalik ulit siya sa bahay ng babae para kausapin ito. Pero ayaw niyang sa kanya mismo manggaling ang lahat ng alam niya dahil baka hindi siya paniwalaan nito.

May plano ang Thompson na yon kaya natitiyak niyang ipapaalam din nito sa babae ang lahat.

"Hey.."

Tawag pansin niya kay Kay at sa anak nitong nasa hardin na naman pagkarating niya.

"Tito!"

Masayang sambit ng bata at akmang lalapitan sana siya ng pigilan ito ng ina.

"Don't come near him Kayne. He's a bad guy." Sambit ng babae saka siya tiningnan ng masama.

"Bad guy? Hindi naman po siya bad guy momma."

"He is a bad guy Kayne and you! Umalis ka nga dito dahil hindi kita kailangan!!"

Sigaw ni Kay sa kanya habang galit na galit dahilan para manlumo siya.

"I'm sorry, aalis nalang ako kung yan ang gusto mo."

Sambit niya at labag sa loob na tinalikuran ang dalawa. Hindi pa nga siya nagtatagal ay pinapaalis na agad siya nito.

Ayaw naman niyang mas lalo pang magalit ang babae kaya aalis nalang siya.

Pero hindi paman siya nakakalayo ay biglang sumigaw ang bata.

"Momma!! Tito Drix help!!"

Mabilis naman siyang bumalik at natagpuan niya si Kay na nakahandusay na sa sahig.

"Corrine!!"

Agad naman niya itong binuhat at mabilis na isinakay sa sasakyan niya.

"Call your grandma and tell her that I will bring your momma to the hospital, okay?"

Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon