3

1.1K 25 0
                                    

A few more months had passed and she's now on her 4th month of pregnancy. Medyo halata narin ang tiyan niya pero hindi na siya gaanong pinapalabas ng asawa niya kaya hanggang ngayon ay hindi parin alam ng mga kaibigan niyang buntis siya.

Kaya nga sa mga nakalipas na araw ay mas lalo siyang nalulungkot dahil wala manlang siyang magawa kung hindi ang tumutok sa trabaho niya at wala ng iba. Gustuhin niya mang lumabas ay hindi niya magawa dahil bantay sarado siya ng asawa and its also a good thing dahil pareho ring abala ang mga kaibigan sa kanya kanya nilang buhay.

"Gagabihin ako ng uwi kaya wag mo na akong hintayin at matulog ka ng maaga. Kung may trabaho kang gagawin ay ipagpabukas mo nalang okay?"

Sambit ng asawa niya sa kabilang linya. Gagabihin na naman daw ito ng uwi dahil maraming trabaho pero alam niyang hindi yon ang totoo.

"O-okay. Ingat ka sa pag-uwi mamaya. I love you."

Aniya pero wala siyang nakuhang sagot dahil binaba na nito agad ang tawag.

She cried again in disappointment.

Habang patagal ng patagal silang nagsasama ng asawa ay mas lalo itong nanlalamig sa kanya. He seldom comes home early at kung umuuwi naman ito ay laging lasing.

Kahit sinabi ng asawa na wag na siyang hintayin ay hinintay parin niya ito at nang makauwi nga ito ay lasing na naman.

"Terrenz bakit lasing ka na naman?" Hindi niya napigilang sambitin sa asawa dahil naghalohalo narin ang nararamdaman niya. Yung lungkot at lalo na yung sakit na nararamdaman ng puso niya.

"Ivory? Is that you?"

Sambit ng asawa kaya mas lalo siyang nagalit.

"I'm not Ivory for pete's sake Terrenz! Bakit ba laging Ivory ka ng Ivory ha? Iniwan ka na niya Terrenz at hindi na siya babalik sayo! Ako na yung asawa mo! Ako!"

"No! Thats not true! Babalikan ako ni Ivory kasi mahal niya ako!"

Galit na sigaw rin ng asawa at bigla nalang siyang tinulak dahilan para mapasalampak siya ng malakas sa sahig.

"Ahhh!!"

Malakas na daing niya at agad na sinapo ang kanyang tiyan then namalayan nalang niyang dinudugo na siya.

"Terrenz tulong!! Yung baby natin Terrenz!!!"

Malakas na sigaw niya at doon naman natauhan ang asawa at natatarantang nilapitan siya.

"I'm so sorry hon!! F*ck!! Dadalhin kita sa ospital!"

Sambit ng asawa at mabilis siyang binuhat pero ilang sandali lang ay nahimatay na siya.

'No please..not my baby.'

Puting paligid ang sumalubong sa kanya ng magising siya at alam niyang nasa ospital na siya ngayon. Pero nang maalala ang dahilan kung bakit narito siya ay bigla niyang sinapo ang tiyan at mabilis na bumangon.

"Ay naku mam! Wag po muna kayong gumalaw!"

"Manang ang baby ko? Okay lang po ba ang baby ko??"

"Maam..kasi ho.. tatawagin ko lang muna po yung doktor. Dito lang po kayo."

Anang kasambahay nila at mabilis siyang iniwan. Mayamaya ay bumalik ito kasama ang isang nurse at doktor.

"Mrs Thompson, kamusta na ho ang pakiramdam niyo?"

"Doc yung baby ko po? Okay lang po siya diba? Diba?"
Sambit niya sa doktor habang hinihimas niya ang kanyang sinapupunan.

"I'm so sorry to say this Mrs but the baby didn't survive. Masyadong mahina ang kapit ng bata kaya hindi talaga siya nakasurvive ng maaksidente kayo."

Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon