Hanggang ngayon ay nagiguilty parin si Zandrix sa ginawa niya sa babaeng mahal niya. Nadala siya sa nararamdaman niya at naghalo halo na ang lahat ng frustration niya kaya nagawa niya ang bagay na yon sa babae.
At isa pa, lasing siya non kaya dala narin ng impluwensya ng alak ay kung ano ano na ang nagawa niya. Sana talaga ay hindi nalang siya sumama noon kay Ivory na uminom. Pahamak kasi talaga lagi ang babaeng yon.
Nasayang tuloy ang pagpunta niya sa Paris at imbis na suyuin si Kay ay nauwi pa sa ganong pangyayari and worst, siguradong galit na galit na ito ngayon.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa Pilipinas pero pinapangako niya sa sarili na babalik siya don para humingi ng tawad sa babae. Sana lang ay magawa siya nitong patawarin.
"Dude, may balita ka na ba?"
He asked one of his friend nang humingi siya ng tulong para hanapin ulit si Kay dahil wala na sila sa hotel na pag-aari ng asawa nito.
Another five months had passed and he still has no clue kung saan na naman dinala ng asawa nito si Kay.
'I have a good news for you bro, I already found them.'
"Good. Give me their address and I'll come there."
‘Sure dude, but another thing..buntis yung babaeng pinapasundan mo. Mukhang nahuli ka na ata dude.'
Sambit nito sa kabilang linya na ikinagulat naman niya.
Buntis si Kay?
Bigla naman siyang nabuhayan ng loob dahil sa narinig.
"Alam mo ba kung ilang buwan na siyang buntis?" Tanong niya dahil gusto niyang makasigurado.
'I think five to six months. Bakit? Nagalaw mo ba yung babae? Hindi kaya sayo yon? Pero may asawa na yon diba?'
"I'm not sure but I am hoping. Sige na dude, salamat sa tulong."
'No problem dude at salamat sa kapalit. Sa uulitin oh and before I forgot, I'll send you her pictures.'
"Geh."
Mayamaya ay natanggap na niya ang larawan ng babae at kitang kita niya na buntis nga ito. Hindi pa gaanong malaki ang tiyan nito pero halata na masyado.
"I hope its really mine."
Bulong niya sa sarili saka masayang pinagpatuloy ang trabaho.
Pupuntahan niya ito sa Paris para personal na makita tho hindi niya ito lalapitan dahil sigurado siyang hindi siya nito kakausapin. Tsaka baka makasama pa yon sa dinadala niya.
A week after that ay bumalik siya ng Paris at agad na pinuntahan ang babaeng mahal niya.
"Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman ang bahay namin?"
Galit na bungad sa kanya ni Kay ng hindi siya makatiis at lapitan ito para kausapin.
"I have ways Corrine. How are you?" Aniya at akmang yayakapin ang babae nang agad itong umiwas sa kanya.
"Maayos na maayos na ako kaya please lang wag ka nang magpapakita pa sa akin dahil lagi lang gumugulo ang buhay ko kapag nanjan ka."
"No, hey! Mag-usap muna tayo!" pigil niya saka hinawakan ito sa braso pero mabilis itong lumayo at parang natakot pa sa ginawa niya.
"Wala na tayong kailangang pag-usapan pa kaya umalis ka na dahil dadating na ang asawa ko!"
"Wala akong pakialam kung maabutan ako dito ng asawa mo. Gusto ko lang malaman kung totoong buntis ka."
BINABASA MO ANG
Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]
ChickLitLove.. Kay believes that everyone deserves to love and to be loved. And She's not an exception to that. She deserves to be loved but why does the only man she ever love doesn't love her anymore? And another thing is the man whose always been there w...