20

1K 20 0
                                    

Si Zandrix yung tipo ng taong hindi basta bastang sumusuko. Matyaga siya sa lahat ng bagay lalo na pagdating kay Kay.

Pero..kailan nga ba masusuklian ang matagal niyang pagtyatyaga at paghihintay na mahalin din siya ng babaeng mahal niya?

"Rine??"

Tawag niya sa babae at nakita niya ito sa kusina na nagluluto yata ng agahan.

"Hey! Bakit nandito ka?"

"Dinadalaw lang kita. Wala daw si Kayne?"

"Yeah..nasa lola niya eh."

"So..pwede tayong lumabas ngayon?"

Mahigit dalawang taon narin niyang sinusuyo ang babae pero kahit ganon ay wala paring nangyayari sa panunuyo niya dito. She's not yet ready and he's willing to wait no matter how long it is.

Nakahanap narin ito ng bagong bahay kaya hindi na ito nakatira sa bahay niya pero lagi niya itong dinadalaw gaya ngayon.

"Ha? Lala-- Ouch!!"

"Anong nangyari sayo?" Taranta niyang sambit and he saw that Kay cut one of her finger.

"Nasagi lang ng kutsilyo yung kamay ko."

"Patingin. Masakit ba?"

"No I'm fine. Maliit na sugat lang naman." Sambit niya saka hinugasan ang kamay pero agad niya itong pinigilan dahil hindi tama ang paglilinis nito sa sugat.

"Your doing it the wrong way Rine. Halika at gagamutin natin yan."

Sambit niya saka dinala ang babae sa salas at siya na ang naglinis ng sugat nito.

"Be careful next time okay?"

Sambit niya pero hindi ito sumagot sa kanya kaya nang angatin niya ang tingin dito ay nakita niyang nakatingin pala ito sa kanya habang may nagbabadyang luha sa mga mata nito.

"Hey..whats wrong?"

Buong pagtataka niyang sambit dito.

"Alam mo ba Drix..hindi ko na yata mabilang kung ilang beses mo na akong ginagamot kapag nagkakasugat ako. Lagi kang ring nanjan kapag napapahamak o nagkakaproblema ako. Masaya ako don pero Drix..ni minsan ba ginagawa mo rin ba ito sa iba bukod sakin?"

Anito ng hindi niya inaasahan pero mabilis niya itong sinagot.

"I'm only like this to you Rine..sayo lang kasi hindi ko kayang ibaling ang tingin ko sa iba."

Sinsero niyang sambit saka marahang hinawakan ang mga kamay niya pagkatapos gamutin ang sugat nito.

"Bakit nga ba hindi Drix? Lagi nalang kitang tinataboy at sinasaktan pero nandito ka parin pagkatapos ng lahat."

Sambit nito at ngumiti naman siya saka hinalikan ang kamay nitong hawak niya.

"Because you're the only woman that I love and nothing else. You know I tried it before Rine pero ikaw talaga yung gusto ng puso ko. Ikaw lang yung tinitibok nito. Naiisip ko palang na kumausap ng ibang babae ay pakiramdam ko nagtataksil ako sayo"

Tuluyan ng napaiyak ang babae saka mahigpit siyang niyakap na hindi na naman niya inaasahan.

"Thank you for not giving up on me Zandrix. Kung wala ka ay siguro matagal narin ako nawala. Thank you for making me feel that my life is still worth it inspite of what I've been through."

Nginitian naman niya ang babae saka hinalikan sa noo.

"I'm always here for you Rine, I really am."

Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon