Nakalabas narin siya sa wakas ng ospital kaya eto siya ngayon sa bahay nila ng asawa at kasalukuyang nagpapahinga.
"I miss you so much hon."
Bulong niya habang nakahawak sa larawan ng asawa.
She's reminiscing every memories of her and her husband and she really can't help but to cry.
"Maam..pinapabigay po pala ni Madam Trina. Mga gamit daw ho ito ni Sir Terrenz." Sambit ng isang kasambahay sa kanya.
"Sige ate, salamat."
Pagpapasalamat niya dito saka hinawakan ang hindi kalakihang box.
Binuksan naman niya ito at nakita nga niya ang iilang personal na gamit ng asawa.
A tear escape in her eyes pero mabilis niya itong pinalis nang may makitang sulat doon. It's from her husband. Alam na alam niya yon dahil sulat kamay mismo ito ng asawa.
Dear hon,
I'm sure by now while you're reading this ay wala na ako. I'm so sorry hon kung hindi ko natupad ang pangako ko sayong mas matagal ka pang makasama. Mahal na mahal kita hon at masaya akong naging parte ako ng buhay mo. I'm so lucky to have you hon, I really am lalo na noong dumating sa buhay natin si Kayne. Salamat kasi pinaramdam mo sa akin kung paano maging isang ama kahit sa sandaling panahon lang.
Hon..alam kong hindi ako naging mabuting asawa sayo kahit sa simula palang kaya humihingi ako ng tawad. Sobrang dami ng kasalanan ko sayo at sana mapatawad mo pa ako sa oras na malaman mo ang totoo. I don't intend to do that hon kasi akala ko hindi magtatagal ang pagsasama natin at hindi ako mahuhulog sayo pero nagkamali ako. You are worth the love hon, you really are and I hope someday..you'll find the right person who will love you more than I did. Alam kong meron at nasa paligid lang siya naghihintay sayo.
I love you so much Kay and please take care of our Kayne.
Sorry and goodbye..
- Terrenz
After she read her husbands message ay bumuhos na naman ang mga luha niya.
"You're so unfair hon..but I promise..mamahalin at aalagaan ko si Kayne sa abot ng makakaya ko."
Mayamaya ay kumalma na siya at itatago na sana ang gamit ng asawa pero nahagip ng paningin niya ang isa pang sobre.
Akala niya ay isa pang sulat galing sa asawa pero isa pala itong papeles. It's their marriage certificate to be exact pero laking gulat niya nang mabasa na hindi registered ang kasal nila.
It wasn't registered because Terrenz Cane Thompson is already married to Samantha Ivory McLane and not her!
Hindi siya ang totoong asawa ni Terrenz kung hindi si Ivory na noon paman ay galit na galit na sa kanya!
Kaya ba noong nagkita sila sa isang beach resort noon ay ganon nalang ang nakita niyang takot kay Terrenz dahil ito pala talaga ang asawa nito!
All this time ay niloloko pala siya ni Terrenz at umaasa siyang kasal silang dalawa!!.
"AAHHH!!! HOW CAN YOU DO THIS TO ME TERRENZ!!!
Pagwawala niya sabay tapon ng lahat ng gamit nang lalaking buong akala niya ay asawa niya.
"MINAHAL KITA NG SOBRA SOBRA PERO BAKIT MO NAGAWA SA AKIN TO!!"
Sigaw pa niya dahilan para marinig hanggang sa baba ang boses niya.
She breakdown and cried all her heart because of feeling hurt and betrayed by the man she ever loved. Bakit ba ang dali dali lang siyang saktan ng lalaki? Wala na nga ito pero hanggang ngayon ay sinasaktan parin siya nito!
Mayamaya ay napansin niya ang humahangos na si Zandrix papunta sa kanya.
"Corrine!! What happened?"
Nag-aalala nitong sambit sa kanya at parang otomatiko namang kumilos ang katawan niya para yakapin ang lalaki at magsumbong dito.
"He betrayed me Drix!! Pinaniwala niya ako sa lahat ng kasinungalingan niya!."
"W-what? Anong ibig mong sabihin?"
Nababahalang sambit nito nang may nag-aalalang tingin.
"Terrenz is not my husband! Hindi kami totoong kasal Drix kasi si Ivory ang totoong asawa niya!"
"P-paano mo nalaman?"
Sagot nito sa kanya na ikinatigil naman niya.
"Alam mo?? Alam mo ang tungkol dito?! Kailan pa ha?! Mga walang hiya!! Kailan niyo pa ako niloloko?!!"
Sambit niya saka tinulak ang lalaki.
"No Rine!! Hindi kita niloloko! Noong isang araw ko lang nalaman at sasabihin ko sana sayo pero naospital ka kaya hindi ko nasabi! I'm so sorry Rine..I'm sorry."
Paliwanag nito at pilit siyang niyayakap habang umiiwas naman siya.
"Wag mo kong hahawakan! Magsama sama kayong lahat!!"
Sigaw niya saka napahagulgol nalamang.
Buong akala niya ay umalis na ang lalaki pero nagulat nalang siya ng makaramdam ng isang mainit na yakap galing dito. Isang yakap na kahit noon paman ay lagi niyang natatanggap kapag pakiramdam niya ay wala na siyang makakapitan pa.
"F*ck that bastard! D*mn!!"
Dinig niyang sambit nito habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
"Please stop crying Rine..hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan kasi mas doble yung sakit na nararamdaman ko kapag nagkakaganito ka."
Dagdag na sabi nito na mas lalo pa niyang ikinaiyak.
Kung sino pa talaga yung taong laging tinataboy niya ay siya pa itong tutulong at dadamay sa kanya ngayon.
"D-Drix..anong kasalanan ko sa kanya at bakit niya ako ginaganito? Mahal niya raw ako pero anong klaseng pagmamahal yon ha?? Kung mahal niya ako sana hindi nalang niya ako pinaniwala nang ganon kasi nagmumukha akong tanga sa harap ng totoo niyang asawa! Nagmumukha akong katawa tawa Drix at higit sa lahat, hindi ko matanggap na isa lang akong kabit!!"
"Shh..tama na Rine..tama na."
Panay lang ang alo sa kanya ng lalaki habang siya naman ay walang tigil sa kakaiyak at kakasisi kay Terrenz dahil sa lahat ng nagawa nito sa kanya.
What Terrenz did to her is unforgivable at hindi niya alam kung mapapatawad pa ba niya ito.
Kaya pala panay ang hingi ng tawad nito sa kanya ay dahil doon. Kung sanay sinabi nito sa kanya noong nabubuhay pa siya ay baka matanggap pa niya ang lahat pero ngayong wala na ito at hindi mismo nanggaling sa bibig niya ang buong katotohanan ay mas lalo siyang nasasaktan. Parang dinudurog ng paulit ulit ang puso niya sa sobrang sakit at ang lahat ng magagandang alaala nila noon ni Terrenz ay parang gusto nalang niyang isumpa dahil hindi niya tiyak kung totoo ba yon o hindi.
"Drix..nahihiya ako kay Ivy.. ang lakas ng loob ko noong magyabang kasi akala ko mag-asawa kami ni Terrenz pero yon pala ay hindi. Ang sama sama kong tao Drix..ang sama sama ko."
"Hey..don't say that Rine..wala kang kasalan okay? You're also a victim here at kung sino man ang masama dito, yon ay si Thompson kasi napakamakasarili niya."
"No..masama talaga ako kasi sana..noong una palang ay hindi na ako nagpumilit sa kanya. Sana hindi na ako nagpumilit na ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya edi sana hindi ito nangyayari ngayon."
Siya ang may kasalanan kung bakit nagkagulo sina Terrenz at Ivory. Masaya na ang dalawa noon pero dahil sa pagkamakasarili niya ay gusto niyang mapasakanya lang si Terrenz. Nagpabuntis pa siya dito at alam niya sobrang sakit yon para sa dating kaibigan niyang si Ivory.
Hindi siya naging isang mabuting kaibigan dahil tinraidor niya ito para sa pansariling interes.
"Rine..it's not your fault okay? Nagmamahal ka lang at alam kong parte iyon ng pagmamahal."
Yon ba talaga ang dahilan? Nagmamahal? Kaya rin ba nagawa siya nitong pagsamantalahan noon ay dahil sa sa labis na pagmamahal sa kanya?
Love..
Love is really cruel.
------------
BINABASA MO ANG
Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]
ChickLitLove.. Kay believes that everyone deserves to love and to be loved. And She's not an exception to that. She deserves to be loved but why does the only man she ever love doesn't love her anymore? And another thing is the man whose always been there w...