13

821 18 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at parang kailan lang noong kakalipat palang nila dito sa bahay nila.

It's been what? Almost four years? Sobrang tagal na pala talaga.

She sighed at malungkot na napatingin siya sa asawa niya at kalaunan ay hindi na niya napigilan pang umiyak.

Sa loob ng apat na taon ay maraming nagbago sa buhay nilang mag-asawa. Mas tumibay ang pagsasamahan nila lalo na noong ipinanganak niya ang panganay nila. It's really a baby boy gaya ng gusto nilang dalawa at kamukhang kamukha talaga ito ni Terrenz. Para nga silang pinagbiyak na bunga kung titingnan.

"H-hon..why are you..crying?"

Tanong ng asawa saka marahang inabot at hinawakan ang pisngi niya.

Umiling naman siya pero sa totoo lang ay nasasaktan siya dahil lagay ng asawa.

Dalawang taon na itong lumalaban sa sakit na cancer at huli niya lang nalaman noong isinugod na ito sa ospital noong nakaraang taon lang.

Her husband is suffering from stage four cancer of the blood at malala na ito kaya ngayon ay sobrang putla na nito at halos hindi na ito nakakakilos ng mabuti. Hindi narin nagreresponse ang katawan niya sa mga gamot o kahit sa chemo niya kaya mas lalo siyang nag-aalala.

"Wala to hon. Gusto mo bang kumain ng prutas?"

Pag-iwas niya at akmang tatayo para kumuha ng prutas pero mabilis siya nitong hinawakan para pigilan.

"W-wag na hon.. Nasaan si Kayne?"

Sambit nito at pilit na nagsasalita ng maayos pero sa totoo lang ay nahihirapan na ito.

"Nasa kwarto niya naglalaro. Gusto mo siyang kausapin?"

Tumango naman ito kaya iniwan niya muna ito saglit para puntahan ang anak.

"Sweetheart, come here. Your dad is looking for you."

"He's awake na po?"

"Ah huh. Come on."

Aniya saka binuhat na ang anak.

"Daddy!!"

"Hey there little kiddo."

"Daddy..daddy..can we play with my toys?"

Pangungulit ng anak sa asawa. Sanay na kasi itong nakikipaglaro sa ama pero dahil nga sa sakit ay hindi na nito nakakalaro ang ama.

"How about.. you'll gonna read some books with Daddy or maybe watch a movie?" Sambit naman ng asawa sa anak.

"The one whose our favorite?" Masaya namang sagot ng anak.

"Yeah..do you like that?"

"Yes daddy! Will you gonna watch with us momma?"

"Of course sweetheart."

Pilit na ngiti niyang sagot sa anak.

Nanood nga sila ng paboritong palabas nang anak na spiderman at pinapagitnaan nila ito ng asawa. After Terrenz was hospitalized ay hindi na sila nakakalabas na mag-anak at tanging gaya nalang nito ang nagagawa nila. Bawal na kasing magpagod si Terrenz kaya hindi na niya ito hinahayaang maglalabas pa o kaya ay ang magtrabaho.

"Kayne..kapag wala si Daddy, alagaan mo ng mabuti si Momma okay?"

Sambit ng asawa pagkatapos nilang manuod na tatlo.

Napatingin naman siya sa asawa at hindi na napigilang mapaluha ulit.

"Why daddy? Where are you going?"

Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon