It's been almost five months and up until now ay nandito parin siya sa Singapore. Tinitiis niyang wag umuwi ng Pilipinas pero habang patagal ng patagal na nandito siya ay mas lalo siyang nababaliw sa kakaisip sa babaeng mahal niya.
Mabuti na nga lang at nandito ang kababata niyang si Eloira at kahit papaano ay nalilibang siya sa mga kalokohang ginagawa nila.
Siya kasi yung babaeng nakasabay niya paalis ng Pilipinas noon at nagulat talaga siya ng makita ito sa airport.
May iniiwasan din kasi kaya umalis ng Pilipinas gaya niya.
"Niel kailangan ko ng bumalik sa Pilipinas."
Sambit ni Eloira sa kanya ng bigla itong pumasok sa kwarto niya.
"Gabing gabi na at nang-iistorbo ka na naman. At bakit ka naman babalik ng Pilipinas? Akala ko ba dito ka na titira for good?"
"Yun nga rin ang akala ko pero nasa Pilipinas talaga ang buhay ko kaya uuwi ako don."
Sambit ng dalaga kaya napailing naman siya. Pabago bago talaga ang isip ng babaeng to.
"Goodluck then. Sana maging masaya ka sa pag-uwi mo."
"Magiging masaya talaga ako kasi susunod ka sakin pabalik. Kailangan mo pa akong tulungan sa jowa ko kaya bukas na bukas din ay uuwi tayo."
Anito na ikinagulat naman niya ng husto.
"What?! Are you kidding me? Bakit mo ko isasama?"
"Kasi nandoon din ang buhay mo kaya wag ka ng magkaila. Alam ko namang matagal mo ng gustong umuwi pero pinipigilan mo lang ang sarili mo. Don't worry may tickets na tayo kaya mabilis lang tayong makakaalis bukas and..nagpaalam narin ako kina Tito at Tita kaya wag ka ng mag-inarte jan."
"No way! Itutuloy mo talaga tong kalokohang to?"
"Yes my love!"
Nakangising sambit ng dalaga sa kanya.
"What the f*ck El! Ayoko pang mamatay!"
Sigaw nito dahil matagal na siyang nakakatanggap ng pagbabanta galing sa dating nobyo ng dalaga. Hindi naman siya takot pero ayaw lang niyang mabangasan ang mukha niya.
"Haha! Don't worry love, ako nang bahala sayo. Last na to tsaka malay mo, may magandang maidulot to sayo."
"Aish!"
Tanging nasambit nalang niya dahil kapag ganon na ang sinabi ng dalaga ay wala na siyang magagawa.
"Prepare your things na okay? See yah!"
Anito at hinalikan pa siya sa pisngi bago ito lumabas sa kwarto niya.
Kinabukasan ay hindi na nga siya nakatanggi pa at sumama pauwi sa kaibigan tsaka tama rin naman ito dahil matagal na niyang gustong bumalik para makita ang babaeng minamahal niya.
Masaktan na siya at lahat lahat pero ang mahalaga ngayon ay ang makabalik siya at makita na ito pagkatapos ng ilang buwan. Now he's wondering kung kamusta na kaya ito. Maayos ba itong tinatrato ng lalaking yon?
"Can I stay at your place for the meantime? Maghahanap pa kasi ako ng bagong place eh. Pwede ba?"
Eloira asked him and he just nodded dahil ayaw na niyang makipagtalo pa.
Kanina pa nakalapag ang eroplanong sinakyan nila at kasalukuyan na nilang tinutungo ang condo niya. Gabi narin nang makarating sila at sobrang pagod na siya dahil sa byahe.
"Hey..okay ka lang?"
"I'm fine El it's just that I don't know how to face her if ever that we will see each other again."
BINABASA MO ANG
Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]
ChickLitLove.. Kay believes that everyone deserves to love and to be loved. And She's not an exception to that. She deserves to be loved but why does the only man she ever love doesn't love her anymore? And another thing is the man whose always been there w...