4

1.1K 24 0
                                    

Kinabukasan ay maaga siyang nagising at naabutan pa niya ang asawa na hindi pa nakakaalis. Madalas kasi ay maaga itong umaalis kahit sabado at linggo at hindi niya alam kung saan ito nagpupupunta.

"Aalis ka? Diba wala kang trabaho ngayon?"

"May kailangan lang gawin sa opisina. Aalis na ako."

Anito saka lumabas ng bahay pero hinabol niya ito.

"Hon..pwede na ba akong bumalik sa trabaho ko sa shop?" Pagtatanong niya dahil mas gusto niyang sa mismong opisina niya siya magtatarabaho.

"Do whatever you want."

"Thank you."

Sambit niya pero hindi na siya nito nilingon at pumasok na sa sasakyan niya saka umalis.

Ang kaninang masaya niyang mukha ay napalitan ng lungkot dahil mag-isa na naman siya ngayon.

Akmang papasok na sana siya sa bahay ng biglang tumunog ang telepono niya at ikinagulat niya kung sino ang tumatawag sa kanya.

Titig na titig lang siya dito at hindi niya alam kung bakit hindi niya ito magawang sagutin.

Mayamaya lang rin ay ang kaninang tumatawag lang sa kanya ay nasa harap na niya ngayon. Ikinagulat niya iyon ng husto pero ng tinanong niya ito kung bakit nandito siya ay bigla siyang nainis at nagalit.

"Ask it to yourself."

Aniya dito at tinalikuran na niya ito pero mabilis siya nitong kinabig paharap para mayakap.

"I miss you."

Sambit pa nito at dahil naghalo halo na naman ang emosyon niya ay nabulyawan niya ito.

"Walang hiya ka! Pagkatapos mong umalis ng walang sabi sabi tapos ngayon sasabihin mong namiss mo ko?."

Galit niyang sambit dito.

"I'm sorry and you can't blame me. I'm just too selfish and hurt dahil ayokong makita kang kinakasal sa lalaking yon. Mahal kita Corrine at hanggang ngayon ikaw parin."

Sambit nito sa kanya na hindi naman niya inaasahan.

'What?? He still loves me after everything that happened? But what about the girl that he's with?'

Sambit niya sa isip habang nakayakap parin sa kanya ang kaibigan.

"Get off me Zandrix."

Sambit niya dahil baka may makakita sa kanila at kung ano pang sabihin. Gustuhin niya mang yakapin siya nito ng mas matagal ay hindi maaari.

"No, I won't. I will never leave again at wala akong pakialam kung kasal ka na sa lalaking yon."

Anito pero paulit ulit lang siyang nagpupumiglas.

"Please Zandrix. Umalis ka na dahil hindi kita kailangan."

Sambit niya na kabaliktaran sa nararamdaman niya pero makulit ang lalaki at ayaw siyang lubayan.

"I told you, hindi ako aalis."

"Zandrix ano ba! Pakawalan mo ko!" Aniya pero hindi parin siya nito pinapakawalan.

"Not until you tell me the reason on why did you called me last night while crying."

"It's none of your business so pakawalan mo na ako."

Pinakawalan nga siya nito pero hindi dahil sa yon ang gusto niya kung hindi dahil may tumawag dito. Nakita niya kung sino ang tumatawag at hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng inis.

"Hey. Need anything?..Where?..Okay okay. Don't come home late. Yeah..yeah. I love you too."

Sambit nito sa kausap na mas lalo niyang ikinainis. And why she feels that way? Mas okay nga na mabaling sa iba ang atensyon nito kaysa ang umasa pa ito sa kanya.

Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon