10

917 16 0
                                    

Hindi alam ni Zandrix kung anong problema ni Kay dahil hindi na ito nagpakita pa sa kanya pagkatapos ng huli nilang pagkikita.

Ni hindi manlang niya ito matawagan at nang isang beses naman siyang pumunta sa bahay nito ay wala itong katao tao.

"Hey bro! May problema ka ba? Kanina mo pa hindi ginagalaw yang alak mo."

Napatingin naman siya sa kaibigang si Rozian.

"Alam mo ba kung nasaan si Corrine?"

He asked na agad namang sinagot ng huli.

"Hindi mo alam? Nasa bakasyon sila ng asawa niya at sa susunod na linggo pa daw ang uwi ng mga yon. Nag-away na naman ba kayo?"

Ikinagulat naman niya ang nalaman.

Kasama nito ang asawa niya at nasa ibang bansa sila?  Kaya ba pinagtatabuyan na naman siya ng babae ay dahil sa nagkaayos na sila ng asawa?

"No. I just want to know where she is kasi hindi siya sumasagot sa mga tawag ko."

Aniya saka palihim na ikinuyom ang nga kamao.

Lagi nalang ba siyang talo pagdating sa pakikipagkumpitensya kay Terrenz? Hanggang kailan ba siya magkakalugar sa puso ni Kay?

Akala niya nakakapasok na siya ng tuluyan sa puso nito hindi bilang kaibigan pero mukhang hindi parin pala. Sana pala hindi nalang muna niya ibinalik ang babae sa syudad edi sana nagkaroon pa silang dalawa ng mahabang oras at baka mahalin na siya nito ng tuluyan.

"Anyway bro, balita ko nasa bahay mo nakatira si Eloira. Anong meron sa inyong dalawa? Kayo na ulit?"

"Nah..tinutulungan ko lang yon sa lalaki niya. Nagtataguan sila kaya sa akin muna tumutuloy."

Isa pa yung problema niya dahil mukhang walang talab ang pagpapaselos nilang dalawa kay Kay samantalang yung lalaki naman nito ay nagseselos na sa kanya.

"Sabi mo e. Bukas nga pala may drag race daw sabi ni Philip. Sasali ka daw ba?"

"Next time bro. Wala ako sa tamang porma ngayon at baka maaksidente pa ako."

"Ok. Sige bro at mauna na ako. Hinihintay na ako ng magandang pinsan mo pati ng mga bata."

Tumango naman siya saka tinungga na ang laman ng baso niya at umorder pa ng karagdagan. Gusto niyang magwala ngayon pero alam niyang walang magbabago bukas kung gagawin niya yon.

Nang papauwi na sana siya ay may nakabangga siyang isang babae.

"Ivy?"

Sambit niya nang makilala ito. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Hindi niya aakalain na makikita niya ito ngayon.

"Oh hi Zandrix, naalala mo pa pala ako."

Napangisi naman siya sa sinambit nito.

"Of course I do. Kailan ka pa nakabalik?"

Tanong naman niya sa babae.

"Kahapon lang, kamusta?"

"Nothing changed especially her." Sambit niya na ikinailing naman ng babae pero mayamaya ay ngumisi ito.

"Need help with them? You know..just like the old times." Sambit ng babae na ikinataka niya.

"Why? Are you planning to meddle on them again?"

"Not sure tho I want to be with Terrenz again. I still love him and he is the reason why I came back here."

Napaisip naman siya sa sinambit ng babae although that is really his original plan. Ang kunin si Kay sa Terrenz na yon.

Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon