Zandrix was sure that Kay has a problem. Kilalang kilala na niya ito kasi kapag ganito ang babae at hindi kumikibo ay alam niyang may dinaramdam ito.
Ayaw niyang pangunahan ulit ang babae dahil baka magalit na naman ito sa kanya kaya hindi na muna siya nagsalita. Pero nang makarating na sila sa tapat ng bahay nito ay napansin niyang umiiyak na pala ang babae habang nakatanaw lang sa labas ng sasakyan.
"Corrine.."
Sambit niya pero hindi siya nito narinig at panay lamang ang pag-iyak.
Hindi naman siya nakatiis at mabilis itong niyakap ng mahigpit.
"Corrine, I'm here. You can tell me everything. Makikinig ako."
Sambit niya na mas lalong ikinaiyak ng babae saka yumakap narin sa kanya.
"D-Drix..I-I.. h-had a miscarraige..nawala ang baby ko Drix. N-nawala yung..yung kaisa isang pag-asa kong mas magiging maayos ang relasyon namin ni Terrenz."
Umiiyak nitong sambit na ikinagulat niya ng husto.
"Y-you got pregnant?"
Gulat niyang sambit.
"Y-yes and..thats..thats one of my reason kung bakit nagpakasal ako kay Terrenz.."
Hindi naman siya makapaniwala sa narinig.
Buong akala niya ay nagpakasal ang mga ito dahil pareho na sila ng nararamdaman yun pala ay dahil sana sa bata."What happened at bakit nangyari yon sayo?"
"Terrenz..he..Terrenz pushed me that night when he came home late and drunk. He..he thought that I'm Ivory but..but I told him I'm not her thats why he pushed me and I fell really hard on the floor."
Naikuyom naman niya ang kanyang mga kamao at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Kay.
Alam niyang masakit mawalan ng anak at nasaksihan na niya yon sa mommy niya kaya hindi niya rin maiwasang malungkot sa babae. Tsaka napakasama ng asawa nito at ito pa mismo ang may gawa non sa kanya.
"Napakawalang hiya talaga ng lalaking yon! Wala talagang matinong ginagawa sa buhay! Nasaan ang lalaking yon at nang mabangasan ko ang pagmumukha niya!"
"Please don't Drix..H-hayaan mo nalang siya kasi wala rin namang mangyayari kung susumbatan ko pa siya. Atsaka..hindi naman na maibabalik pa ang anak namin.."
Tumango nalamang siya kahit ayaw niya saka pinunasan ang mukha ni Kay dahil sa walang humpay nito sa kakaiyak.
"Come on, stop crying and lets get down para makapagpahinga ka na. Alam kong masakit para sayo ang lahat pero kailangan mong magpakatatag."
She nodded in response na ikinaginhawa naman niya.
Inalalayan naman niya itong makababa at inihatid sa tapat ng bahay nito pero ikinataka niya nang walang kailaw ilaw sa loob nito.
"Thank you Drix."
Malumanay na sambit ng kaibigan saka siya nginitian na tinanguan naman niya.
"Ikaw lang mag-isa dito? Nasaan yung asawa mo?" He asked her nang samahan niya ito sa loob ng bahay.
"I don't know. He just told me awhile ago that he will not be around for two days."
"What? Hinahayaan ka niyang mag-isa dito?"
Gulat niyang sambit dito at napatungo nalang ito sa kanya.
"I'm used to it Drix kaya okay lang." Sagot nito sa kanya na ikinailing naman niya.
"It's not okay Corrine! Paano kung mapasok ka nang kung sino dito at mag-isa ka lang? Nag-iisip ba ng matino ang lalaking yon?" Pagalit nitong sambit dahil hindi siya makapaniwalang mag-isa lang dito ngayon ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]
Literatura FemininaLove.. Kay believes that everyone deserves to love and to be loved. And She's not an exception to that. She deserves to be loved but why does the only man she ever love doesn't love her anymore? And another thing is the man whose always been there w...