11

844 16 0
                                    

Samot sari ang nararamdaman ngayon ni Kay matapos ang pagkikitang muli nila ni Zandrix kanina.

She feels abused and betrayed at hindi niya aakalain na hahantong sa ganon ang lalaki makuha lamang siya nito.

Pinagsamantalahan siya nito at kung hindi pa ito napatigil ay hindi siya makakawala.

Mabilis niyang iniwan ang lalaki habang hindi pa nakakabawi sa pinaggagawa sa kanya at nang makarating siya sa inuukupang kwarto nila nang asawa ay doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.

That Zandrix she is with awhile ago is totally different than Zandrix na nakilala niya. Ibabang iba na ito at hindi niya alam kung kaya pa niya itong patawarin sa ginawa nito sa kanya. Mahal niya ito pero hindi niya alam kung kaya niya itong patawarin sa ginawa nito sa kanya.

Iyak lang siya ng iyak habang pilit winawaglit sa isip ang nangyari pero nang maalala ang kalagayan niya ay agad siyang nagpigil sa pag-iyak at napahawak nalang sa sinapupunan niya.

She is almost five weeks pregnant again at nagpapasalamat siya na hindi siya masyadong sinaktan ng lalaki kanina. Maselan siya kung magbuntis kaya ingat na ingat ulit siya ngayon.

"Hon? Are you okay?"

Mabilis naman niya pinahid ang mga luha at pilit na ngumiti sa asawa.

"I'm okay hon, medyo nagiging emotional lang ako dahil hindi parin ako makapaniwala na magkababy na ulit tayo."

Sambit niya at hindi sinabi ang totoo sa asawa.

"Akala ko naman kung ano na ang nangyari." Sambit ng asawa saka siya masuyong hinalikan at mahigpit na niyakap.

"Hon..uuwi pa ba tayo ng Pilipinas?"

Tanong niya ng tuluyan na siyang mahimasmasan.

Mahigit tatlong buwan na kasi silang hindi umuuwi at dito lang sila sa hotel nila namamalagi.

Masaya at maayos na sana siya ngayon dahil nga sa tuluyan nang nagbago ang asawa at alagang alaga na siya nito pero nang dumating naman si Zandrix at nagpakita sa kanya ay gumulo na naman ang buhay niya.

Wala ba talaga siyang karapatang tuluyang sumaya?

Sana talaga ay hindi na magpakitang muli ang lalaking yon dahil natatakot siyang baka ulitin na naman nito ang ginawa sa kanya. Tsaka ayaw na niyang gumulo ang sitwasyon nila ng asawa kaya kung makakaiwas siya kay Zandrix ay gagawin niya.

Pero..may isa pa pala siyang problema. Si Ivory na ex ng asawa niya na dahilan kung bakit nalaglag ang sanang unang magiging anak nila ng asawa. Nag-usap kaya silang dalawa? Babalikan ba ito ng asawa at iiwan na siya?

Wag naman sana kasi baka hindi niya kayanin.

"Bakit? Mas gusto mo ba na sa Pilipinas tayo at don ka manganak?"

"Hindi naman sa ganon pero hindi ka ba kailangan don sa company?"

"Not really and besides nandon naman si Dad and as for your shop, nandon din si Cheska para imanage yon. Mas okay nga na nandito tayo dahil natutukan ko na ang pamamalakad dito. By the way, bukas lilipat na tayo sa bahay para hindi ka na mahirapan. Napaayos ko na ang lahat kaya doon na tayo titira."

Tumango naman siya saka isinandal ang ulo sa balikat ng asawa. She's physically and mentally exhausted at ngayon ay gusto niyang itulog nalang itong lahat. Pero.. hindi siya matatahimik hanggat hindi niya nalalaman ang tungkol kay Ivory.

"Kinausap ka ba ulit ni Ivory?"

Hindi niya mapigilang itanong at wala namang pagdadalawang isip na sinagot siya ng asawa.

Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon