14

815 19 3
                                    

Magmula ng isinugod na naman sa ospital ang asawa ay wala na siyang tigil sa kakaiyak. Tanggap na niya ang lahat nang magiging kahihinatnan ng asawa pero hindi lang niya maiwasang masaktan at malungkot.

Sino ba namang hindi lalo pa at mahal na mahal niya ito. Hindi nga niya lubos maisip na nakatakda na talagang mawala ang asawa. Its too early for her but what can she do?

"Mrs Thompson, I think the reason why the medicines wasn't effective on him is because he's not taking it anymore. Didn't you notice that beforehand?"

Pagtatanong ng doktor ng asawa sa kanya na ikinagulat naman niya.

Hindi niya iniinom ang gamot niya??

"No doctor, I have really no idea that he's doing that. How is he right now? Is he fine? Can he still live a little longer?"

Umiiyak niyang sambit na ikinailing naman ng doktor sa kanya dahilan para manghina na naman siya ulit.

"I think it is too late madam and I don't think he will last a month or possibly a week in this kind of state. I'm so sorry."

Tuluyan naman siyang nagbreakdown dahil sa narinig hanggang sa panay na ang iyak niya.

Napatigil lang siya noong nagising na ang asawa at mabilis siyang hinanap.

"H-Hon.."

Agad niya itong dinaluhan at inalalayan.

"How are you feeling hon?" She asked pero iba ang isinagot ng asawa sa kanya.

"H-hon..w-why d-id you bring m-me here?"

Her husband asked at isa lang naman ang dahilan kung bakit niya nasabi ang mga iyon. Ayaw nitong manatili sa ospital ng matagal na panahon.

"You need to stay here for the meantime hon, mas mabuti ng nandito ka para matutukan ka ng doktor mo. Wag ka na munang magsalita pa okay?"

Paliwanag niya dito pero umalma ito sa kanya.

She expected it tho..

"B-but h-hon..b-bring me home. A-ayokong dito m-mabawian n-ng b-buhay..p-please.."

Napahinga nalang siya ng malalim dahil sa sinabi ng asawa. Nang akmang magsasalita na sana siya ay may bigla namang pumasok sa kwarto ng asawa.

"Hija..hijo.."

Sambit ng kakarating lang na mga magulang pala ni Terrenz.

"Ma..Pa.."

"Hija, pasensya na at ngayon lang kami. Kamusta na raw ang lagay niya?"

"Ok lang po yon ma and uhm..tungkol po kay Terrenz, malala na raw po talaga yung lagay niya."

Nalungkot naman ang mga magulang ng asawa dahil sa narinig. Alam rin nilang ganito ang mangyayari sa anak kaya labis nalang ang lungkot nila sa totoong estado ng asawa.

"M-mom..D-ad.."

Nanghihinang sambit ng asawa saka nagpumilit na bumangon.

"Hi anak, how are you?"

"I'm f-fine mom and p-please.. tell my wife to bring me home. Please?"

"You will go home darling. Iuuwi ka namin sa Pilipinas just like what you wanted."

"T-thank you mom."

"Just rest for awhile son at paggising mo nasa Pilipinas na tayo." Sambit naman ng byenan niyang lalaki pagkatapos turukan ng gamot ang asawa.

Tumango naman ito saka muling napapikit dala ng epekto ng gamot.

"Ma, naayos niyo na ba po ang lahat?" Tanong niya sa byenan na siyang pinakiusapan nitong ayusin ang mga kailangan upang makauwi nga sila sa Pilipinas.

Crazy Desire (A Fiery Love) ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon