Dumating ang aking buong pamilya at syempre ang girlfriend kong si Erin.
Simula nung pinatanggal ko sa Principal ang incentives sa grades ko, natuto akong hindi mag-dumepende iba.
Natuto kong bigyang importansya ang pag-aaral keysa sa hilig ko.
Basketball? Madami namang panahon para bigyan ko yan ng pansin, pero mas kailangan kong itupad ang mga pangarap ko.
Pagkatapos kong gumraduate may balak din ako pumasok sa Culinary Arts.
Ung kahit vocational lang, kasi hinding hindi ko parin makalimutan ang passion ko sa pagluluto.
Hotel Owning, Basketball, Culinary. Kaya ko lahat niyan basta dapat pagsikapan ko para sa kinabukasan ko.
Habang kinuha ko ang mga gamit kong naiwan sa Robinsteen, lumapit saakin ang sekretarya ng Principal.
"Jared may kailangan akong sabihin sayo."
"Ano yon?"
"Jared, It's been almost a year since malaking mysteryo kung ano ang dahilan sa pag-alis ni Savannah sa Robinsteen."
Hindi na ako interesado kay Savannah.
Ngunit naalala ko ung sulat na ibinigay niya noon na balang araw malalaman ko din ang sagot.
Ito na ang araw na hinihintay ko para malaman ang dahilan.
"Si Miss Principal kasi pinapa-dispose na nya lahat ng files and contracts niya sa office at ang mga ibang papeles sa University na hindi na effective."
Nagsimula siyang nagkwento hanggang sa makarating kami sa Office of the Principal.
"Habang tinatanggal ko ang mga papeles sa kanyang filing cabinet ay aksidente kong nalaglag ang isang envelope na may itinerary papuntang Hong Kong, nakita ko ang pangalan si Savannah. Hindi siya pumunta sa Hong Kong, stop over lang niya yun papuntang Amerika."
Sabi ko na nga ba sa Amerika ang punta niya.
"Hindi ko na kinalkal pa lahat ng documents, Ikaw na ang bahala mag-imbestiga basta kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. Sinusuportahan ko ang pagmamahalan niyo noon, pinagtatakpan ko kayo sa mga issues. Hindi ko pababayaang malaman ito ng Principal. Sana malaki ang naitulong ko sa mga tanong na hindi mabigyang sagot. Ito pala ang susi. Hindi naman pupunta ang Principal dito, may bakasyon siya kasama ang mga Faculty and Staff. Ang tanging alam niya na inaayos ko lahat ng mga paperworks niya. Pwede mo namang kunin yan tutal hindi na importante yan."
Iniabot niya saakin ang isang brown envelope.
Nanatili ako sa lugar iyon at inalam ko ang bawat detalye na mahahanap ko.
Ang itinerary niya.
Application Forms sa iba't ibang school sa Amerika.
Printed copy ang checke na ibinigay niya kay Savannah.
At isang kontrata.
Binasa ko ito...
This agreement is entered from the Principal of Robinsteen University; Ms. Vivian Del Rosario to Ms. Savannah Maddison Cothran hereby to clarify for removal of Scholarship from Robinsteen University, which could be transferred to University of Washington in Seattle, Washington with the course of Interior Designing.
She could avail her Scholarship until it's last semester. There will be no refund. She will be able to receive an allowance of $400 every month provided by Robinsteen University.
With the conditions of:
Not going back to the Philippines unless she was given a permission.
She must earn a 3.0 GPA or better each semester and a consistent 3.0 GPA or better as the conclusion of each academic year.
She must accept her American Citizenship.
Atleast 100 meters apart in a distance to Mr. Jared Ashton Guillermo.
If she may not follow these conditions, the Scholarship may be terminated immediately or the Scholarship for Robinsteen University will no longer be effective.
"WHAT?! 100 meters apart from me?! That's stupid!"
Nakita kong linagda na niya ang pangalan niya sa kontrata.
I can't believe na magagawa niya saakin to.
She will choose her dreams than the person she loves.
BINABASA MO ANG
No One Knows: Arranged Relationship
RomanceSila Savannah at Jared,The most popular couple in their university, pero may lihim sila, FAKE lang ang relasyon nila at may dahilan kung bakit nila ginagawa yun. Ibang-iba sila sa realidad at at nag-simula sila sa pagiging strangers, ngunit makalipa...